Chapter 22: Demon's Form (Part 1)

1.4K 88 4
                                    

"Here."

Isa-isang ibinigay ni Chris ang mga inumin.

"Thank you." sagot ni Bifron.

Tumango lang sakanya si Lyon at inabot ang tubig.

"Teka, nasan sina Austin at Asmo?" tanong nya ng mapansing nawawala ang dalawa.

"Nasa cr, sinamahan ni Asmo si Austin. Panay kasi ang pagsusuka ng kaibigan mo kaya—.."

"——aaahhhhh!!!!"

Hindi pa natatapos ni Bifron ang mga sasabihin ng bigla silang makarinig ng malakas na sigaw. Nakilala agad ni Chris ang boses nito kaya dali-dali syang tumakbo para puntahan ito.

Sumunod naman sakanya ang dalawang binata na nagkatinginan. Ilang sandali pa ay napunta sila sa isang espasyo na pinapaligiran ng mga taong nakikiusyoso. Biglang kinabahan si Chris kaya nagmamadali syang sumingit paunahan.

Maya't maya pa ay bumulaga sakanyang paningin ang kaibigan na namamaluktot sa sakit. Inaalalayan ito ni Asmo na makatayo. Napatingin sya sa matandang lalaki na kaharap nito na napakalaki ng pangangatawan.

Nanlaki ang mga mata nya ng mapansin ang pasa sa gilid ng bibig ng kaibigan. Nangingitim din ang kanang pisngi nito na tila nakatikim ng malakas na suntok. Lalapitan nya sana ito ng biglang may pumigil sa braso nya.

"Stay,.. You should restrain yourself. Let's observe the situation first." bulong sakanya ni Lyon.

Nilingon nya ang binata na seryosong nakatingin sakanya. Napayuko sya at ibinalik ang atensyon sa harapan.

"Ano? Haha! Nasan ang tapang mo! Mahina ka pala eh!!" sigaw ng lalaki sa dalawang binata.

"Lasing ang kasama ko. Aksidente lang na nabangga ka nya, hindi nya yun sinasadya. Ba't kailangan umabot sa ganito?" kalamadong sagot ni Asmo dito.

"Aksidente? Hahaha!! Masyadong mayabang ang kaibigan mo bata. Ang dapat sakanya, tinuturuan ng leksyon. Hahahahaha!"

"Tsk! Hey old man you are really troublesome." sabi ni Asmo na binitiwan ang mahinang katawan ni Austin at nagkamot sa batok.

"Anong sabi mo?! Baka gusto mo ring makatikim ng sakit ng katawan tulad ng kaibigan mo?" lumapit ito kay Asmo at iniangat ang baba nito.

Walang ekspresyon sa mukha si Asmo na tinitigan ang matandang lalaki.

"Take your hands off if you don't want to get hurt." seryosong utos ng binata. May pagbabanta ang bawat salita nito na nagbibigay ng kilabot sa kaharap nya.

Hindi pa rin nagpa gimbal ang lalaki at ngumiti ng nakakainsulto. Mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa binata.

"Hahaha! Masyado kang matapang bata, pero anong kaya mong gawin? Hindi mo nga——.... aaaahhhhhhhh!!!!"

Bigla itong napasigaw ng biglang hawakan ni Asmo ang kamay nito at walang kahirap-hirap na pinilipit. Nakabitaw ito sakanya ngunit hindi nya parin binibitawan ang kamay nito. Isang kamay lang ang gamit nito pero halos pumilipit na ang buong braso ng lalaki.

Wala paring ipinapakitang ekspresyon ang binata. Tila ibang tao na ito kumpara sa masiyahin at maingay na Asmo'ng nakilala ni Chris. Nakaramdam sya ng kilabot mula sa taong yun.

Maya't maya pa ay bigla silang nakarinig ng malakas na lagutok mula sa braso ng matanda. Binali ni Asmo ang buto nito sa braso. Nagulat ang mga tao na nagsigawan at takbuhan papalayo. Tila isang demonyo na sa paningin ng mga ito ang binata.

Hindi namalayan ni Chris na nasa unahan nya na pala sina Lyon at Bifron. Papunta ang mga ito sa kinaroroonan ni Asmo.

"Asmo!!" sigaw ni Lyon na nalilisik ang mga mata.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon