Chapter 16: Haunted (Part 1)

1.5K 93 3
                                    

Tahimik na kumakain ang tatlo at halos nasa pagkain lamang ang buong atensyon. Maraming mata ang tahimik na nakatingin sakanila at nagnanais na masulyapan manlang ni Lyon. Ngunit iba ang sitwasyon ni Chris.

Hindi sya makatingin ng diretso sa binatang kaharap na si Lyon. Ramdam nya parin ang kahihiyan dulot ng naunang pangyayare sa pagitan nila ng binata.

Ilang segundo pa, ay naramdaman nya na naman ang pag-init ng kanyang mga pisngi. Dali dali nyang inabot ang basong may lamang malamig na tubig at isahang inubos ang laman nito.

Kulang nalang ay ipaligo nya ito upang matanggal ang pamumula nya. Lumingon sakanya si Austin at nagtatakang nagtanong.

"Ayos ka lang Chris? Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?"

Seryosong ring napatingin sa gawi nya si Lyon.

"H-huh? A-ayos lang ako. Bakit mo naman naitanong?" sagot nya na yumuko at pilit na kinakalma ang sarili.

Halos gusto nya ng lamunin ng buo sa kinauupuan nya.

"Ang pula kasi ng mukha mo. Sigurado ka bang ok ka lang at walang nararamdaman? Gusto mo bang magpasama sa infirmary ?" tanong ni Austin.

"O-Oo naman. M-medyo mainit lang kaya ha-ha!.." pinaypayan nya ang pisngi at ngumiti.

Napatingin sya sa gawi ni Lyon dahilan para magtama ang kanilang nga mata. Sabay silang umiwas ng binata at bahagya pang naubo ito.

Inosente namang napatingin sakanila si Austin at nagkakamot. Ilang sandali pa ay nagsalita ang kaibigan nya.

"Brother Lyon taga rito ka pala sa City A?" tanong ni Austin kay Lyon habang kumakain.

"Umm." tipid na sagot ng binata.

"Kung ganun kabisado mo pala ang lugar na to? Pwede mo ba kaming ipasyal dito sa weekend?" nakangiting sabi ni Austin.

"Why would I?" kumunot ang noo ng binata kay Austin.

"Hahaha! Kasi galing kami sa ibang lugar ni Chris at di kami taga rito. Sabi nila ang dami daw ng magagandang lugar na pwedeng puntahan dito sa City A. Nagbabalak sana kaming mamasyal kaya lang di naman namin alam ang pasikot sikot dito. Kaya kung ok lang sayo, pwede bang—.,"

"I'm busy." malamig nitong sagot. Wala rin itong ekspresyon sa mukha dahilan para magmukha itong masungit.

"Ah.. hahaha... I see. Plano pa naman sana namin na pumunta sa susunod na linggo at isama ka. Pero di bale, kami nalang siguro." sagot ni Austin na tumawa at napahawak sa batok.

Napatingin kay Chris si Lyon ngunit wala itong binitawang salita. Tahimik naman syang nakayuko habang kumakain dahilan para di nya mapansin ang titig ng binata.

"Ikaw Chris? San mo balak magpunta sa isang linggo?" tanong ni Austin na hinarap sya.

"Ah? H-huh? Um.. K-Kahit saan.." sagot ni Chris na naiilang.

"Eh? How about amusement park?" excited syang tinapik ni Austin. Nangingislap ang mga mata nito na tila isang bata na nakakita ng bagong laruan.

"H-huh? Ha-ha! Ano bang sinasabi mo? Di ka na bata para pumunta sa mga ganung lugar. Ha-ha!" mapaklang tumawa si Chris.

"Eh? Pero sabi mo gusto mong mapunta—... mmmppph!"

Mabilis na naigalaw ni Chris ang kamay at tinakpan ang bibig ng madaldal na kaibigan. Nagtataka naman syang tiningnan nito. Nginitian nya lang si Austin na may halong pagbabanta dahilan para tumigil ito.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon