Chapter 24: Defying the King

1.4K 81 3
                                    

Mag iisang linggo na ang nakalipas na hindi nakapasok si Chris. Marami na syang nalaktawang aralin kaya nangangamba syang baka maapektuhan nito ang scholarship nya. Nag email sya agad sa student scholarship department (SSD) upang alamin ang estado nito, ngunit wala pang sagot mula dito.

"Chris!"

Nilingon nya ang kaibigang si Austin na tumawag sakanya. Tumatakbo ito habang hawak-hawak ang makapal na notebook papunta sa kinaroroonan nya.

Maayos na ang kalagayan ng kaibigan nya na dalawang araw lang na hindi nakapasok dahil sa mga pasa. Wala din itong maalala sa nangyare dahil sa sobrang kalasingan nito ng mga araw na iyon. Mas minabuti nalang din nyang huwag ipaalam dito ang mga naganap upang di na ito mag-isip pa.

Humihingal itong tumigil sa harap nya at iniabot ang notebook.

"Haah!! Heto, yan yung mga aralin natin sa nakalipas na isang linggo."

Binuksan nya ang bawat pahina ng kwaderno at napangiting tiningnan ang kaibigan.

"Salamat dito pre.. Hindi ko akalaing maganda ka pala magsulat at detalyadong-detalyado pa."

Inosente naman syang tiningnan ni Austin.

"Huh? Hindi sakin—.."

"Kyaaaahhhh!!~"

Biglang naghiyawan ang mga kababaihan sa labas ng silid nila.

Nasa pasilyo sila ng unibersidad at isang silid nalang ang pagitan ng lalakarin nila bago makarating sa nasabing silid. Napalingon sila ni Austin sa entrance ng silid at napansin ang nagkukumpulang mga kababaihan.

"Huh? Anong meron dun?" nagtatakang tanong ni Chris.

Naglakad sila papalapit sa pinto ng silid ng kaibigan nya. Masyadong nagsisiksikan ang mga kadalagahan rito kaya malabong makapasok sila. Gayunpaman ay pinilit ni Chris na isiksik ang sarili dahil nalalapit na ang first period class nila at may dapat pa syang asikasuhin.

Ilang segundo pa ay bigla nahagip ang tuhod nya na dating may pilay dahilan para mawalan sya ng balanse. Halos nasa loob na sya ng silid ng mangyare ito kaya sigurado syang doon babagsak.

Hindi nya inaasahan na bago pa man ito mangyare ay isang braso ang humigit sa beywang nya at hinila sya paitaas. Sumubsob ang mukha nya sa matipunong dibdib at naamoy ang mabango nitong pabango.

"Eh?"

Tumigil ang hiyawan ng mga babae at mahinang nagbulungan. Iniangat nya ang paningin at napatingin sa binatang nakangiti sakanya.

"Are you ok?"

Namilog ang mga mata nya at umawang ang kanyang bibig.

"I-ikaw.."

"Yeah, we meet again."

Kumawala sya sa pagkakayakap nito at inayos ang tayo.

Natatandaan nya pa ang binatang kaharap. Ito ang gwapong lalaki na nakilala nya sa amusement park na nagbigay ng barya sakanya. Nagtataka syang napatingin dito at sa mga babaeng nasa labas ng silid na nakatingin sakanila.

Nakaramdam sya ng hiya ngunit bago pa man sya tumakbo pabalik sa upuan nya ay tumunog ng malakas ang bell sa buong campus. Nanghihinayang na naghiyawan ang mga estudyante at isa-isang nagsi-alisan.

"By the way, I'm Zel Leviticus." pagpapakilala nito.

Nakipag kamay ito at ngumiti sakanya.

"Chris Olivares... Pero panong—.."

"Ah, haha! Transferee ako dito, from Strasbourg University sa France. Hindi ko ini-expect na dito ka rin pala nag-aaral.. such a coincidence, right?" nakangiting sagot nito na inilapit ang mukha sakanya.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon