Chapter 19: Black Fur (Part 2)

1.4K 88 2
                                    

~ /meoww/ ~

"Eh? Ba't may pusa dito?"

Nagtataka siyang tiningnan ito at dinampot. Panong nagkaroon ng pusa sa dormitory at nasa fourth floor pa. Natatandaan nya rin na isinara ng maigi ang pintuan bago umalis. Imposible din namang makapasok ito sa bintana dahil masyadong mataas.

Napakabigat at lusog nito kompara sa ibang alagang pusa. Maitim ang malambot at makapal nitong balahibo na tila kaysarap haplusin at yakapin.

Iniangat nya ito at ibinuka ang dalawang hita upang makita ang kasarian nito ngunit bigla itong tumalon at galit na nagtaasan ang mga balahibo. Nagtataka syang napatingin dito na nagkakamot.

Biglang nagtama ang paningin nila dahilan para makaramdam sya ng kakaibang sensasyon. Tila may naramdaman na syang ganun pero di na nya matandaan. Iniwas nya ang paningin sa mata nito at nilapitan ito.

"Ibabalik kita bukas sa may-ari. Baka may naghahanap na sayo." sabi nya dito na muli itong binuhat at ipinatong sa kama.

Inisip nya na baka may palihim na nagpuslit nito sa loob ng dormitoryo kaya magtatanung tanong sya sa mga kapitbahay. Wala itong collar bilang palatantandaan ng may-ari kaya sigurado syang mahihirapan sa paghahanap.

Napa buntong hininga syang kumuha ng maliit na karton at pinatungan ito ng dalawang malambot na tela. Bumalik sya sa kama at aktong bubuhatin ulit ang pusa ng biglang sumabit ang mga kuko nito sa kutson.

"Eh?" namilog ang mata nyang napatingin dito.

Pilit nyang tinanggal ito ngunit bigo sya. Halos mapunit na ang kutson nya sa higpit ng pagkaka kapit ng kuko nito at sa kakahila nya rito. Hinihingal sya at pabagsak na napaupo.

Naupo sya sa kama at hinimas ang ulo nito.

"Papayagan kitang mahiga sa kama ko basta wag na wag kang iihi dito ah." sabi ni Chris na sinundot ang ilong nito.

" /meoww/."

Natawa sya dito na tila ba naiintindihan nito ang sinasabi nya. Napangiti syang nahiga at pinatay ang ilaw. Ilang sandali pa nga ay tuluyan na syang nakatulog.

*****

Dalawang mga mata ang tahimik na nakamasid sa mahimbing na natutulog na si Chris. Tinititigan nitong maigi ang kanyang maliit na mukha at mahahabang pilik mata. Dahan dahang bumangon ito sa kinahihigaan at lumapit sakanya.

Nilabas nito ang dila at dinilaan ang kanyang pisngi pababa sa leeg. Napapikit ito at ilang sandali pa nga ay unti-unting nagbago ang anyo nito. Iminulat nito ang mga mata at mabilis na inabot at hinigpitan ang leeg ng isang nilalang na nasa paahan ni Chris.

"Eeeccckk!!! L-Lord Apollyon w-wala po akong nakita!!" nanginginig nitong paliwanag.

Malausok ang hugis tao nitong katawan  at sya lamang ang nakakakita rito.

"What are you doing here?" mahina ngunit maawtoridad nyang tanong dito.

"M-may sulat po p-para sainyo." habol hininga nitong sagot. Lumitaw ang isang rolyo sa kamay nito at inabot sakanya.

Binasa nya ang nilalaman ng sulat at napakunot noo. Nanlilisik ang mga mata nyang humigpit ang pagkaka hawak dito at ilang segundo pa nga ay biglang nagliyab ang papel. Nangatog ang nilalang na nasa harap nya na napaatras.

Napalingon si Apollyon kay Chris at napabuntong hininga. Tumayo sya at ilang sandali pa ay naglaho ng parang bula.

Napatingin naman ang nilalang sa binatang mahimbing na natutulog. Nakakatakot ang namimilog nitong mga mata na napunta ang atensyon sa leeg nya.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon