Lyon: Side Story 4

1.1K 74 5
                                    

"Are you sure about this Lyon?" tanong ni Bifron.

Nasa loob sila ng bakanteng silid sa ika-apat na palapag ng gusali ng dormitoryo at ang lokasyon nito?... ay nasa katabing kwarto lang naman ni Chris.

"Yeah... I'm fine with this." sagot nya habang iniikot ang paningin sa loob ng kwarto.

Napabuntong hininga na lamang si Bifron na hindi lubos maintindihan ang desisyon nyang ito. Hindi nito alam kung anong kahangalang pumasok sa kanyang isipan para lumipat ng ibang silid.

Napaka-elegante at laki ng silid nya mapa ilalim man o mundo ng mga mortal. Wala pa sa kalahati ang laki ng lugar na ito kumpara sa kwarto nya kaya't ganun na lamang ang pag-aalala ni Bifron na baka manibago sya.

"What's gotten into him? He really gone mad.. right?" mahinang bulong naman ni Asmo na kanina pa tahimik na nakasandal sa pintuan at pinagmamasdan sila.

"Shut up your mouth.. he can hear you." saway dito ni Bifron.

Napairap nalang si Asmo na halata ang pagkadismaya.

"Tsk! I can't believe this... hindi ko maintindihan kung anong meron sa taong yun para gawin to ni brother Lyon... he's not like the old him.. that mortal.. he was not his ghost bride right?" apila nito.

Napatingin sya kay Asmo na nakakrus ang mga braso habang nakatingin kay Lyon na ukupado sa pagsuri ng buong kwarto.

"I hadn't heard anything about him looking for a ghost bride for the past hundred years so I'm not sure.. Isa pa, sa tingin ko wala naman syang oras para sa ganung bagay lalo pa't napakalaki ng obligasyon at responsibilidad na nakapatong sakanya." wika nya rito.

"Heh? Eh kung ganun, bakit ganun na lang sya ka-pursigidong mapalapit sa taong yun?" muling tanong nito.

Muli syang napabuntong hininga sabay iritableng tiningnan si Asmo.

"Don't ask me anymore. It's not like I know what he thinks and what he does, right? What ever decisions he made, it's already none of our business. He has his own reason for doing this. Let's just wait until it's over."

Napaisip si Bifron sa mga sinabi ni Asmo. Kung iisipin ay may punto nga ang binata, nagtataka rin sya kung bakit ganun na lamang ito ka-interesado sa taong iyon.

Ilang libong taon nya nang kilala ang binata at ni isang mortal ay hindi ito nagkaroon ng interes. Ito rin ang unang beses na nakitaan nya ito ng kakaibang pakikitungo sa isang tao.

Iniisip nya kung ano bang klaseng 'espesyal' na katangian meron ito. Isa lang naman itong 'ghost bride' na walang pagkakakilanlan kung sino ang nagmamay-ari, maliban nalang kung....

/bang!/

Ilang sandali pa ay nakarinig sila ng malakas na kalabog sa kabilang silid na ikinagulat nila. Hindi rin ito nakaligtas sa pandinig ni Lyon na nakakunot-noo'ng napalingon sa dalawang binata.

"What's that?" tanong nya.

Hindi sumagot ang dalawa na tila wala ring ideya kung ano ang malakas na kalabog na yun. Malalaki ang hakbang nyang lumabas ng silid at dire-diretsong pumunta sa tapat ng pintuan ni Chris.

Kinatok nya ito at tinawag ngunit walang boses na sumasagot.

Maya't maya pa ay naamoy ni Lyon ang mabango at matamis na esensya mula sa loob ng silid.

Mabilis na kumakalat ito palabas ng pasilyo ng buong palapag. Napakunot noo syang nilingon si Bifron na tila kinokontrol ang sariling wag maapektuhan ng kakaibang amoy na ito.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon