Chapter 4: Curiosity

2.2K 106 3
                                    

Kakatapos lang kumain ng hapunan ni Chris at nakapag ayos na rin sya ng gamit sa tulong ng kaibigan nya. Nag unat sya ng braso at lumapit sa nakabukas na bintana. Dinama nya ang malamig na hangin at napatingin sa katapat na building na sinasabing extension ng dormitory nila.

Sa likod ng building nakapwesto ang kanyang room at bintana dahilan para matanaw nya ito. Pinagmasdan nya ang maliwanag na ilaw sa pinaka taas na tore nito. Napansin nya ang isang taong lumabas sa balkonahe nito na tila tumingin din sa kinaroroonan nya.

Nagulat sya ng bigla itong kumaway sakanya. Hindi nya ito pinansin at dali daling bumalik sakanyang kama. Bahagyang syang nahiga at ipinatong ang cellphone sa ibabaw ng drawer na kalapit nya. Humugot sya ng malalim na hininga at nagmuni muni.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakatulog na sya. Di nya napansin ang pagpasok ng maitim at makapal na usok mula sa nakabukas na bintana.

Nag anyong tao ito ngunit nakabalot ang buong katawan sa itim na kapa. Dahan dahang lumutang ito at lumapit sa kamang hinihigaan nya. Pinagmasdan sya nito ng maigi mula ulo hanggang paa at hinipo ang kanyang pisngi. Dinama nito ang kanyang labi gamit ang mahabang daliri pababa sa kanyang leeg at hanggang dibdib.

"Hmmmmhh"

Isang mahinang ungol ang kumawala sa bibig ni Chris na tila nananaginip. Napangiti ang nilalang sa harap nya na tila nasiyahan sa resultang narinig. Bahagyang kiniskis nito ang daliri pabalik sa kanyang mga labi.

"Silly.." tugon nito sabay ngiti.

Dahan dahang bumalik ito sa pagiging usok at lumabas sa bintana. Mahimbing na natutulog si Chris at walang ka alam alam sa nilalang na pumasok sa kanyang kwarto.

••••••••••

*criinngg~ criiingg ~cringgg~*

Malakas na tumunog ang alarm clock sa tabi ng higaan ni Chris.

7:00 am

Bumangon sya, pinatay ang alarm at nag unat ng katawan. Napansin nyang maayos ang tulog nya kumpara ng mga nakalipas na araw na binabangungot sya.

Nakita nyang naka bukas ang bintana nya at naalalang nakatulog pala sya't nakalimutang isara ito. Dali dali syang nag ayos para maghanda sa klase nya.

Maya't maya pa ay may kumatok sa pintuan nya. Saktong palabas na sya ng silid. Pinag buksan nya ito at binati sya ng binatang nasa labas ng pintuan.

"Good morning! Kumusta ang tulog pre? Ayos ba?" tanong ni Austin na tila maganda ang gising.

"Ah Oo, di ko namalayang nakatulog pala ako.....nag almusal ka na?" sagot ni Chris na isinara ang pinto at lumakad kasama si Austin.

"Hindi pa, yayayain nga sana kitang mag agahan sa cafeteria sa ground floor bago pumasok sa klase."

"Sige tara" sagot ni Chris.

Bumaba sila sa elevator papuntang ground floor at dumeretsong cafeteria. Mapapansin ang malawak na espasyo nito na halos sakupin ang buong ground floor. Maaamoy din sa pagpasok palang sa glass door ang masarap na iba't ibang lutuin.

Nadagdagan ang gutom na naramdaman ni Chris sa amoy palang. Dali dali syang nag order ng paborito nyang agahan na omelette rice at kapeng pangpa gising nya tuwing umaga. Naupo sila ni Austin sa kaliwang bahagi malapit sa kusina ng cafeteria.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon