Chapter 31: The Hidden Mystery (Part 3)

1K 81 1
                                    

"S-Seventh gate of hell?" kinikilabutan nyang tanong dito.

Tinulungan syang makaupo ng binata sa isang malaking tipak ng bato malapit sa isang basag na rebulto. Tumabi ito sakanya sabay unat ng namamanhid nitong mga braso.

"Et Portae Inferni Septem, the original name for Portae Septem. It was a Latin name for 'The Seven Gates of Hell'. Napakagandang paraiso hindi ba? Pero ang totoo, ay may nakatagong misteryo na  pilit na ibinabaon."

Napatingin sya kay Zel na seryosong nagkikwento.

"Pano mo ... nalaman ang mga bagay na to?" kabado nyang tanong.

Ngumiti si Zel sakanya ng mapansing tila interesado sya sa mga kwento nito. Iniwas nya ang paningin sa binata sabay hawak sa kanyang mga tuhod.

"Well.. let's say mahilig akong dumiskubre ng mga kakaibang bagay." sagot nito.

"G-Ganun ba?"

"Hm.. gusto mo bang ikwento ko sayo ang alamat ng lugar na to?" nakangiting tanong nito.

Tumango nalang sya bilang tugon sa binata, tumayo si Zel at nakangiting inilahad ang kamay sakanya.

"Come here, I'll show you something."

Inalalayan sya nito papasok sa abandonadong palasyo. Nakaramdam sya ng kaba dahilan para bahagyang manginig ang kanyang mga daliri. Agad naman itong napansin ng binata na natawa sa reaksyon nya.

"Pfft.. Relax, it's not like I'm going to eat you." sabi nito sabay ngisi.

"P-Pasensya na Zel, di lang talaga ako sanay sa mga ganitong lugar." paliwanag nya.

"Don't worry, I'll take care of you."

Huminga sya ng malalim at kalmadong ngumiti sa binata.

*****

Pumasok sila sa isang malaking pintuan na sira na at kalahating nakabukas. Itinulak ito ng maayos ni Zel upang pumasok ang liwanag, dahilan para umalingawngaw ang ingit nito sa loob. Ikinagulat ito ni Chris na muntik ng mapatalon sa takot.

Ilang sandali pa ay lumiwanag ang loob nito na ikinamangha nya.

"Wow.."

Napakalaki at lawak nito na merong mataas na hagdan sa gitna at may napakalaking painting sa taas na halos burado na sa tagal ng panahon. Napatingin sya sa bandang ibaba ng painting kung saan mapapansin ang tila nakaguhit na mga daliri ng kamay.

Bahagya nyang inayos ang paningin at muling sinuri ito. Napansin nya ang tila isang singsing sa hintuturo nito na hindi nya matukoy kung anong disenyo, para itong isang bungo na hindi nya maintindihan.

'Parang pamilyar sakin ang singsing na yun... teka.. San ko nga ulit nakita yun.'

Bumubulong pa sa sarili si Chris ng biglang tapikin sya sa balikat ni Zel na ikinagulat nya.

"What are you looking at?" tanong ng binata na napatingin sa gitna ng malawak na hagdanan.

"W-Wala naman. Nagtataka lang ako kung bakit may ganito kalaking palasyo sa gitna ng kagubatan, sino kaya ang nagmamay-ari nito?"

Napangiti si Zel sa tanong nya, hinarap sya nito at hinila paakyat sa malaking hagdanan.

"T-Teka Zel, baka mapagalitan tayo. Isa pa, parang marurupok na ang mga materyales sa itaas."

"Pfft, hahaha! Don't worry ok? Nandito na tayo, bakit hindi pa natin sulitin ang pamamasyal." nakangiti nitong suhestyon.

"P-Pero—.."

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon