Chapter 12: Body Vessel (Part 1)

1.6K 88 1
                                    

"So... what brings the two of you here?" tanong ni Edward na kakatapos lang magbihis at itinatali ang mahabang buhok. Pinaalis na rin nito ang kasama na tila nanghihinayang sa nabiting romansa. Nakangiti itong pinaghanda sila ng maiinom na tsaa.

"May gaganapin kasing event mamayang gabi, isang welcome party para sa mga freshmen students... Naalala ko na nag major ka ng fashion designing at hair stylist ka rin nung highschool. Naisip ko na baka matulungan mo sya. May nililigawan kasi tong si Chris sa klase namin kaya ito na ang pag asa nyang magpa impress kay Goddess. So...Ano? Matutulungan mo ba kami?"

Tumayo si Edward at lumapit kay Chris. Pinatayo sya ng binata at inikot ang mata sakanya mula ulo hanggang paa. Pilyo ito ngumiti at hinimas ang sariling mukha.

"Hmm.. With a delicate, fair and smooth skin... cute face, skinny body and a nice smell... No offense ha, but you know what, sa pangangatawan mong ganito at sa mga katangiang hinahanap ng babae sa mga lalaki, do you think may pag-asa ka.. Well, siguro sa mga katulad ko pwede pa...and I'm always free anytime.." sabi ni Edward na napakagat labi at ngumiti ng mapang akit.

"Eck!.." sagot ni Chris na kinilabutan at napalunok. Namilog ang mga mata nya at pinag papawisan.

Tila gumuho ang mundo nya sa mga narinig. Alam nya naman sa sarili nya na wala syang maipag mamayabang sa anumang parte ng kanyang katawan. Hindi sya matipuno, matangkad at napaka simple lang nya kung manamit. Ganun paman, ay gusto nyang patunayan na kaya niyang pantayan ang ibang kalalakihan.

"Hahaha... pano natin malalaman kung hindi natin susubukan diba? Tsaka sa tingin ko naman, may pag asa itong si Chris." sabat ni Austin na ngumiti.

"Haist... ok fine, then let me try." sagot ni Edward na tila napipilitan, " come here at 9 pm, let's see if I can do something with him,"

Napangiti si Austin at itinaas ang hinlalaki kay Chris bilang hudyat ng pag sang-ayon. Tumango sya sa binata at ilang sandali pa ay nagpaalam na sila kay Edward.

******

(Makalipas ang tatlong oras)

"What can you say?" abot tengang nakangiti si Edward na iniharap si Chris sa malaking salamin. Nagkikislapan ang mga mata nito na tila anumang oras ay susunggaban sya.

"Woah?!! Ikaw ba yan Chris?!! Akalain mo yun pre, may nakatagong kagwapuhan ka pala? Hahaha" sabi ni Austin na tumawa at tinapik sya sa balikat.

Napatingin sya sa sariling repleksyon. Di nya maiwasang mapangiti at purihin ang sarili. Nakasuot sya ng white long sleeve polo, fitted na black slacks at leather shoes. Napaka simple ngunit lumabas ang kanyang kagwapuhan sa suot at pagkaka ayos ng buhok.

"Siguro kung mas confident ka lang sa sarili mo at maayos kang manamit, tingin ko maraming makakapansin sayo." sabi ni Edward na pinag krus ang braso.

"Salamat Edward, ang laking tulong nito." sagot ni Chris na hinawakan ang binata sa magkabilaang balikat.

"Hahahahaha, no problem.. Isa pa matitiis ko ba ang napaka cute na katulad mo.... basta, once na mabasted ka, feel free to come here anytime." sabi sakanya ni Edward na kumindat. Tinawanan nya lang ang binata at pag sapit ng alas dyis ng gabi ay nagpaalam na sila.

****

Nininerbyos si Chris habang naglalakad sila patungo sa pagdadausan ng event. Panay ang panunukso sakanya ng kaibigan ng makita ang reaksyon nya. May iniabot si Austin sakanya bago pa sila makarating sa entrance ng gymnasium. Nagtataka syang inabot ito at nagtanong sa kaibigan.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon