Chapter 21: Kiss of the Demon (Part 2)

1.4K 91 2
                                    

"H-halik ng... Demonyo?" nagtatakang tanong nya sa matanda.

"Ang totoo nyan... Wala akong maramdamang essence of life mula sayo.." nag-aalangang tanong nito.

Namilog ang mga mata nya at mapaklang tumawa.

"P-pano naman po nangyare yun? N-Normal naman po ako katulad ng iba, kaya panong—.."

"Yun din ang pinagtataka ko... m-maliban nalang.." napalunok ang babae.

"M-maliban sa?" kinakabahan syang tinitigan ang ale.

"N-nakipag kasunduan ka ba sa isang demonyo?"

Nanlalaki ang mga mata nyang napayuko. Naalala nyang pinilit nyang makipag kasunduan si Apollyon sakanya pero hindi ito pumayag sa gusto nya kaya panu nasabi ng matanda na nakipag kasunduan sya.

Muli nyang hinarap ang ale at mahinang nagsalita.

"M-manang pano nyo po nasabi na nakipag kasunduan ako? Ni minsan po hindi ko pa nagagawa yun."

"Maupo ka muna iho." yaya ng matanda sakanya. Naupo sya sa tapat nito at seryosong nakinig.

"Yung sinabi kong "halik ng demonyo". Sa totoo lang wala pa akong nasasaksihan sa talambuhay ko pero.. nung nakita kita.. tila may kakaiba sayo at base sa na obserbahan ko, isa ka sa mga taong ganun... Lagi ka bang nakakaramdam ng kakaiba? O lagi ka ba nilang ginugulo?"

Halos kilabutan sya sa mga sinasabi ng babae. Totoo ngang lagi syang may nararamdaman at ginugulo ng mga ito pero natigil na yun simula ng ibigay ni Apollyon ang kwentas sakanya. Dahan dahang tumango sya at muling ibinaling ang atensyon dito.

"P-pero bakit po, anong dahilan para gawin nila yun?"

Seryoso syang tiningnan nito at hinawakan ang dalawang kamay nya. Napalunok sya at mabilis na kumabog ang dibdib nya.

"Iho.. wag kang mabibigla sa sasabihin ko pero... maaaring matagal ng nakasanla ang kaluluwa mo sa isang demonyo, kaya hindi mo na ito pag-aari pati ang katawan mo. Marahil yun ang dahilan kung bakit gusto nilang mapasakamay ang katawang ito. Ang "halik ng demonyo" sabi sa isang libro, isa itong marka na iniiwan ng isang demonyo sa napili nilang "bride" mula palang sa pagkasilang nito. Sila lang ang nakakaalam kung kelan nila ito babalikan at kukunin base sa napagkasunduang kontrata. Ito rin ang palatandaan na pagmamay-ari ka na nila at walang sinuman, immortal man o mortal ang maaaring mag angkin sayo kailanman."

Natulala si Chris mula sa mga narinig nya. Naguguluhan parin sya sa mga sinasabi nito. Nanginginig din ang buong katawan nya, tila walang boses na lumalabas mula sakanyang bibig.

"Iho, ang demonyong ito... maaaring—-..."

Biglang bumukas ng malakas ang pintuan dahilan para magulat sila. Napalingon sila pareho sa nilalang na walang pag-aalinlangan na dire-diretsong pumasok sa loob ng silid.

"Chris, masyado ka ng nagtatagal dito. Ano bang pinag-uusapan nyo?" tanong ni Lyon na naniningkit ang mga mata.

Napatingin ito sa matanda na tila may ipinapahiwatig. Biglang nanginig ang mga bola ng mata nito ng hindi napapansin ni Chris. Tumayo siya at hinarap ang binata.

"Ah, haha! P-pasensya na.. p-palabas na rin ako, magpapaalam lang ako kay manang." sabi ni Chris na tumawa ng mapakla.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon