Chapter 32: Abaddon: Angel of Abyss

1.1K 68 1
                                    

"N-Nandito yun!"

Humihingal si Austin na itinuro ang lugar na pinangyarihan ng insidente.

Laking gulat ng binata ng makitang patag ng muli ang lupang kani-kanina lang ay gumuho.

"T-Teka.. Nasan na yun, sigurado akong dito sila nalaglag pailalim." anya ni Austin na hinahanap ang gumuhong lupa.

Kumunot ang noo ni Lyon na pumitas ng isang pirasong dahon. Napapikit syang inamoy at pinakiramdaman ito.

"Nandito sila." mahinang bulong ni Lyon.

"Huh?"

Nilingon ito ni Lyon sabay ngiti. Lumapit sya rito sabay tapik at bulong sa tenga nito.

"Hey, it's time to sleep."

"Anong—.."

Hindi pa nito natatapos ang sasabihin ng bigla itong mawalan ng malay. Sinalo ni Lyon ang katawan ng binata at isinandal sa malaking puno.

Muli nyang ibinaling ang paningin sa lupang may bakas pa ng isang simbolo ni Azazel na nagsisilbing kandado upang walang sinuman ang makapasok.

Muli nyang ibinaling ang paningin sa lupang may bakas pa ng isang simbolo ni Azazel na nagsisilbing kandado upang walang sinuman ang makapasok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ipinatong nya ang kanyang palad rito, lumabas ang panibagong simbolo at tila isang apoy na nagliyab ito.

Ipinatong nya ang kanyang palad rito, lumabas ang panibagong simbolo at tila isang apoy na nagliyab ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang sandali pa ay naging itim na usok ang kanyang buong katawan sabay higop sakanya pailalim ng lupa.

*****

"Here."

Iniabot sakanya ni Zel ang isang makapal na libro na may kalumaan na.

Nasa loob sila ng isang madilim at malaking silid na puno ng mga nagkalat na libro. Sinindihan ni Zel ang katabing kandila dahilan para lumiwanag ang buong paligid.

Pinunasan naman ni Chris ang makapal na alikabok na bumabalot sa libro na halatang ilang libong taon nang nakatago. Mahinang binasa nya ang mga nakasulat sa pabalat nito na halos mabura na.

"The Bottomless Pit."

Naupo si Zel sa harapan nya at seryosong tumingin sakanya. Dahan-dahang binuksan nya ang pahina nito kung saan nakasulat ang pamilyar na pangalan.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon