Chapter 5: Risk (Part 1)

1.9K 109 2
                                    

Napag desisyunan ni Chris na bumalik nalang sa kanyang dorm. Binuksan nya ang kanyang kwarto, inihagis ang bag sa kama at tinatamad na nahiga. Kinuha nya ang cellphone at nagtxt sa kapitbahay nya.

Chris: Nasan ka?

Austin: Sa room, bakit?

Chris: Daanan mo ako mamaya dito sa room pag magdidinner ka.

Austin: Ha?! Akala ko
ba May dinner date kayo
ng Goddess?

Naihagis ni Chris ang cellphone nya sa kama at ipinikit ang kanyang mga mata. Napabuntong hininga nalang sya. Maya't maya pa ay may kumatok sa kanyang pintuan. Tumayo sya at binuksan ang pinto.

"Anong nangyare, bat nandito ka?" tanong ni Austin na dire deretsong pumasok ng kwarto ng walang pasabi.

"Ewan, sabi nya next time nalang daw. Bigla nalang sya umalis." sagot ni Chris na tila na depress sa nangyari. Ibinuka nya ang dalawang braso at ibinagsak ang katawan sa kama. Nakalubog ang mukha nya sa unan at tila walang buhay na hindi gumagalaw.

Natawa si Austin sakanya at nagsimulang mang asar.

"Baka naman may ginawa ka para ma turn off sya sayo?" tanong ni Austin na tinapik ang likod nya.

Biglang bumangon si Chris at hinarap ang binata.

"Wala akong ginawa...sya nga tong gusto akong halikan...pinagbibigyan ko lang" naiinis nyang sagot.

"Ha?!!!" nagulat si Austin sa sinabi nya. "....nagkiss na kayo ni Goddess?" nanlaki ang mata nito.

"Tsk! Hindi rin natuloy...umalis sya agad...Ewan kung bakit" sagot ni Chris na bumalik sa pagkakahiga.

"Oh... kaya ka pala nagmamaktol kasi hindi natuloy yu-....!"

Malakas na naihagis ni Chris ang unan sa mukha ni Austin dahilan para tumigil ito sa pag sasalita.

"....kaibigan ba talaga kita? Imbis na asarin mo ako bigyan mo nalang kaya ako ng advice o kaya 'Words of Comfort'" asar na sagot ni Chris.

"Pfft... ok ok..sorry... Baka naman kasi may gagawin si Goddess kaya umalis. Ano bang sabi nya sayo?" tanong nito na dinampot ang unan at ibinalik sa kanya.

"Next time nalang daw, May gagawin raw sya" sagot ni Chris.

"Yun naman pala, may pag asa ka pa pre. Don't worry ok? Baka may gagawin nga sya. Alam mo naman ang mga babae, paiba iba ng isip."

"Sabagay"

"Tara!" pagyayaya ni Austin.

"Saan?"

Kinatok ni Austin ang relo. "Malapit na mag 7, bumaba na tayo for dinner"

"Ok"

Nagpalit na ng damit si Chris at bumaba na para kumain.

****

7:40 pm

Nakabalik na sa kwarto si Chris at nagpasyang maligo bago matulog. Inihanda nya ang bagong damit na pangpalit nya pagkatapos.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon