Chapter 11: The Unspoken Desire (Part 2)

1.6K 86 1
                                    

"Sinong magpa party?"

Limingon si Chris at napa awang ang bibig.

"Asmo?"

"Yoooowwww!! Haha! Kumusta?" sagot nito na ngumiti. Napatingin sya sa kasama nito at namilog ang kanyang mga mata.

'Lyon? Anong ginagawa nya dito?'

Tiningnan lang sya ni Lyon ng seryoso ngunit ilang sandali pa ay iniwas nito ang paningin sakanya. Hindi rin ito ngumiti para batiin sya.

"Can we join?" sabi ni Asmo na hindi na hinintay ang kanyang sagot. Agad itong pumagitna sakanila ni Cresil at inilapag ang food tray na hawak.

Lumapit din si Lyon at tahimik na naupo sa tapat nya na katabi ni Austin. Ilang sandali pa ay napansin nya ang mga nakaw tingin ng mga babaeng kumukain sa paligid nila pati ang dalawang dalaga na kasama ni Cresil kay Lyon. Namumula ang mga pisngi nitong nagbubulungan kasabay ang mahihinang pagtili.

Sa kabila ng reaksyon ng mga kadalagahan ay di ito pinapansin ni Lyon. Tahimik itong kumakain at maya't maya kung sulyapan sya. Hindi ito nakaligtas sa mga mata nya at tuwing mahuhuli nya ito ay agad na iniiwas nito ang paningin mula sakanya. Hindi sya komportable sa ganung kilos ng binata.

Tahimik din si Cresil at Austin dahilan para di sya makatiis at basagin ang katahimikang pumapagitna sakanila.

"Umm... m-magkakilala pala kayo ni Lyon?" tanong ni Chris kay Asmo.

"Yeah, magkakaibigan kami pati si Mullins. Same year pero iba't ibang course. Lahat kami from City A." sagot nito.

"Ah, g-ganun ba. Anong ginagawa nyo dito ngayung Sabado sa Gehenna. Diba taga City A kayo?"

"Well... May mga inasikaso kami... And I heard na may welcome party tonight para sa mga freshmen students.. Wanna join us tonight?" tanong ni Asmo na ngumiti.

"A-Ano kasi—-...."

"Naku par, na una ng mag imbita si Goddess..." sabat ni Austin na puno ang bibig. "....kitakits nalang mamayang gabi."

Di pansin ni Chris ang paniningkit ng mata ni Lyon sa narinig. Tumingin ito sa kinaroroonan ni Cresil ngunit di ito napansin ng dalaga.

Nagtatakang napatingin kay Austin si Asmo at nagtanong kay Chris, "and... who's this?"

"Austin ang pangalan ko, tropa at kaklase ni Chris." sagot nito na nasa pagkain parin ang atensyon.

"Ok....and who's this beautiful young lady?" tanong naman ni Asmo na lumingon kay Cresil. Nagulat ang dalaga at nakayukong sumagot.

"I-I'm Cresil, f-friend and classmate of Chris."

"Oh I see,... You really have a nice skin huh." sabi ni Asmo na inilapit ang mukha sa dalaga at tinitigan itong maigi mula ulo hanggang paa. Mapaglinlang din itong ngumiti kay Cresil.

"Ah..haha...g-ganun ba... t-thank you.." sagot ni Cresil na humawak sa sariling mukha at medyo nanginginig. Napansin ni Chris ang reaksyon ng dalaga na tila nababastos na ng binata. Nag aalala syang tumingin kay Cresil na nakayuko parin at maputlang naka hawak sa braso.

Magsasalita na sana sya ng bigla syang unahan ni Lyon.

"Asmo enough....let's go, we should not disturb them during their breakfast," sabi nito na tumayo at tumingin ng masama kay Cresil. Lalong namang nanginig at namutla ang dalaga na tila naubusan ng dugo.

"Oh? Hm.. ok.." sagot naman ni Asmo na tila tinatamad tumayo. "... then see you tonight Chris."

Ngumiti si Asmo sakanya at marahan syang tinapik sa balikat. Muli naman syang ninakawan ng tingin ni Lyon na tila may gustong sabihin ngunit wala na syang narinig mula sa binata hanggang sa makaalis ito.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon