Chapter 3: The Unexpected Encounter (Part 2)

2.4K 115 0
                                    

".........."

"...???"

"........?"

"...??? En?"

"...where is it?" tanong nito kay Chris.

Unti unting binuksan ni Chris ang kanyang mga mata. Namilog ang mga ito ng makitang walang ibang nilalang sa loob ng silid. Nawala rin ang mga bakas ng dugo na nakita nya sa sahig.

Tila isang panaginip lang ang lahat ng nangyare. Wala na ang katawan ng babae!

"P-panong nangyare y-yun?" nanginginig na tanong ni Chris.

"Maybe you're just hallucinating...or maybe it was just your illusions" sagot nito.

"H-hindi ako p-pwedeng magkamali......n-nakita ko, mismo ng d-dalawang mata ko!..."

"Yeah, yeah whatever. See? There's nothing else here... just stop this nonsense of yours and go back to your respective room. It's already time for first period class" pag putol nito sa sasabihin nya na may halong pang uuyam.

Umalis na ito at iniwan syang nakanganga at tulala sa tapat ng silid.

'Pano? Panong nawala? Hindi ako pwedeng magkamali...pero nasan? Nasan ang katawan?'

••••••••

"Where is it?"

"Nailipat na namin." sagot ng isang lalaki habang humuhigop ng kape.

"Good ... that kid.... he's interesting" sagot nitong naupo sa sofa.

"Anong plano mo sakanya ngayung may alam na sya?" tanong ng isa pang lalaki na nagbabasa ng libro.

"Keep an eye on him.... his actions and everything he does" sagot nito sabay ngisi.

Ngumiti ng may ibig sabihin ang dalawang kausap nya na tila sabik na sa mga susunod na mangyayare.

•••••••

Natapos ang first period class ni Chris na malayo ang iniisip. Hindi mawala sa kanyang isipan ang mga pangyayareng nasaksihan nya na nagdala ng sobrang takot at pagka gimbal sa pagkatao nya.

'Baka imahinasyon ko lang ang lahat...pero....sigurado ako sa nakita ko...hindi ako pwedeng magkamali..."

Nasa kalagitnaan ng pag iisip si Chris ng may lumapit sakanya.

"Umm, hi.. ok ka lang ba? Napansin ko na parang wala ka sa sarili mo the whole period" tanong nito na may pag aalala.

Nilingon nya ang pinanggalingan ng boses. Namula ang kanyang mga pisngi ng makita ang isang napakagandang dalaga sa harap nya.

"Ha?? Ah ano ..haha! Ok..ok lang ako" sagot ni Chris na ngumiti ng malapad habang nagkakamot.

"Mabuti naman," sagot nito "...nga pala I'm Cresil Deumos."

Ngumiti ito at inabot nito ang kamay sakanya.

"I'm Chris Olivares" sabay abot ng kamay.

'Lord, ito na ba ang simula ng panibagong kabanata sa buhay ko? Tuluyan na ba akong makalalaya mula sa pagiging single?"

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon