Chapter 27: Blood Link (Part 3)

1.2K 78 1
                                    

Sinipa ng malakas ni Bifron si Asmo sa kinahihigaan dahilan para malaglag ito sa kama.

"Hanggang kelan mo balak magkunwaring walang malay?" nakataas ang mga kilay ni Bifron na inayos ang suot na salamin.

"Aiya! Eto na babangon na." sagot ni Asmo na naupo sa kama, "you're so cruel Senior." pag-mamaktol nito. Hinimas nito ang pwet at muling umakyat sa kama.

Tinanggal nito ang tela na nakapulopot sa ulo at pinunasan ang tumutulong likido. Dinilaan nito ang daliring may dugo at napailing sa lasa.

"Siguro kailangan ko ng magpalit ng vessel, hindi na angkop ang balat na ginagamit ko—.."

"What happened?"

Nagulat si Asmo at dahan-dahang nilingon ang pinanggalingan ng boses. Hindi nito napansin ang presensya nya kaya't ganun na lamang ang reaksyon nito.

"B-brother Lyon, nandyan ka pala.. ha-ha!"

"Kanina pa, bago ka bumangon." sagot ni Lyon na pinag-krus ang mga hita at seryosong nakatingin sakanya.

"Ah.. ha-ha! Ganun ba." anya Asmo na nagkakamot. Humugot ito ng malalim na hininga at muling nahiga sa kama, "..Black shadow."

Kumunot ang noo ni Lyon na napatingin kay Bifrons. Tumango ito na tila naiintindihan nito ang ibig nyang sabihin. Ikinulong nito ang silid sa array na kung saan ihini-hiwalay nito ang komunikasyon sa labas at mga mortal.

"Brother Lyon, sa tingin ko hindi na ligtas si Chris sa lugar na to." saad ni Asmo na napatingin sakanya.

Napaisip ng malalim si Lyon sa sinabi ng binata.

"Lord Apollyon,.. Hindi kaya... alam na ni Lord Azazel ang tungkol kay Chris?" anya Bifron na naupo sa sofa, "..kung hindi ako nagkakamali... si Lord Azazel lang ang may kakayahang kontrolin ang Black shadow na tinutukoy ni Asmo."

Nanlilisik ang mga mata ni Lyon na pinagkrus ang mga braso.

'Azazel.. that fucking bastard.'

"Brother Lyon,.. sa tingin ko, ay dapat mo nang ipaaalam kay Chris ang katotohanan bago ka pa maunahan ni Lord Azazel." seryosong suhestyon ni Asmo.

"Ayukong magulo ang buhay nya dahil sa di namin pagkakaintidihan ni Azazel. Sobra na ang paghihirap nya dahil sa mga nangyare... isa pa.."

Napatigil sa pagsasalita si Lyon. Sumilay ang matinding pag-aalala at kalungkutan sa kanyang mukha. Napapikit sya habang inaalala ang mga nangyare sa nakalipas na 22 taon.

•••••
(Flashback: 22 years ago)

"Apollyon!"

Lumingon si Lyon sa binatang tuwang-tuwa habang tumatakbo papalapit sakanya. Nasa silid sya ng mataas na konseho at inaayos ang ilang mga mahahalagang dokumento.

"Azazel? Anong ginagawa mo dito?" inikot nya ang paningin sa paligid upang siguraduhing walang nakakakita at nakakarinig sakanila.

Humalakhak naman si Azazel na tila tinutukso sya.

"Hahaha! Hindi ka na nagbago Apollyon. Wag kang mag-alala, siniguro kong hindi malalaman ni Ama ang pagpunta ko rito." sabi nito na hanggang tenga ang mga ngiti.

"Ba't ka pala naparito?" tanong nya rito na nasa papel parin ang atensyon.

"May maganda akong balita aking kapatid! Malapit na akong ikasal." sagot nito kasabay ang pagsilay ng kaligayahan sa mukha nito.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon