Chapter 30: The Hidden Mystery (Part 2)

1.1K 70 1
                                    

Nagsimula na ang unang aktibidad para sa unang araw ng kanilang field trip. Bilang pagsisimula, bumuo muna sila ng grupo na may tatlo hanggang apat na miyembro.

Sa isang grupo magkakasama ang tatlo na sina Chris, Austin, Zel at isa pang dalaga na ang pangalan ay Sazaine. Magkakasama naman sina Lyon, Asmo, Bifron at isa pang binata na napili nila.

Pinamagatan nila ang larong iyon na "Abyssus Hunters" kung saan may mga nakatagong bugtong sa iba't ibang dako ng kakahuyan na kailangan nilang sagutan. Ang unang makakasagot ng lahat ng bugtong at makakarating sa finish line ay mabibiyayaan ng isang premyo na inihanda ng mga kasama nilang professors.

Itinali ni Chris ang pulang laso sa kanyang braso bilang palatandaan ng kinabibilangan nyang grupo. Napasulyap naman sya sa kinaroroonan ni Lyon na binabanat ang sariling mga braso at pinapaligiran ng mga babaeng nagtitilian.

Bigla sya nitong nilingon na ikinagulat nya dahilan para magtama ang kanilang paningin. Biglang nag-init ang pisngi nya kaya agad nyang iniwas ang paningin mula rito.

Hindi nya napansin ang pagsilay ng mga ngiti sa labi nito na halatang nasiyahan sa reaksyon nya.

Ilang oras pa ay ipinutok na ng isa sa mga professor ang starting pistol bilang pagsisimula ng aktibidad. Agad nilang sinundan ang mapa sa iPad ni Zel na ipinasa ng mga professor bilang gabay ng mga estudyante sa kinaroroonan ng unang bugtong.

Ilang sandali pa ay nakarating sila sa tuktok ng isang malaking bato, di kalayuan sa isang batis na may napakalinis na tubig. Nakaipit dito ang isang puting sobre na kinuha naman ni Austin sabay basa sa nilalaman nito.

"Stronger than steel,
And older than time;
They are more patient than death
and shall stand even when the stars have ceased to shine.
Their strength is embedded
in roots buried deep
Where the sands and frosts of ages
can never hope to touch or reach."

Napatingin sa kanila ang binata na tila ngtatanong ng tamang kasagutan. Malalim naman na nag-iisip si Chris sabay tingin sa paligid. Napansin nya ang dalawang nagtataasang bundok na tanaw mula sa kinaroroonan nila. Agad syang napangiti at malakas na sumagot.

"Mountains?"

Nakangiting kinuha ni Zel ang IPad sabay sagot dito. Ilang segundo pa ang lumipas ng biglang tumunog ito at lumabas ang panibagong clue.

"Yes!! Hahahaha!! Ang galing mo talaga Pre!" pinuri sya ng kaibigan na nakipag high five pa.

Tuwang tuwa naman syang tinanggap ito at nagpatuloy sa kanilang paroroonan.

*****

"Hmm, let me try this.." anya ni Asmo na kinuha ang nakabiting sobre sa puno.

"I have many tongues but cannot taste
By me, most things are turned to waste
I crack and snap, yet I stay whole
I may take the largest toll
I assisted all of the first men
And I will pay them back again
Around me, people snuggle and sleep
Yet run when I am released from my keep
I jump around and leap and bound
The cold man wishes I he had—.."

"Fire." singit ni Lyon na nakasandal sa isang puno.

"Eh? Ang daya mo brother Lyon! Kanina ka pa sumasagot haist~ give chance to others" pagmamaktol ni Asmo.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon