Chapter 29: The Hidden Mystery (Part 1)

1.2K 75 5
                                    

"Ok. Students of Gehenna University: Year 1 and 2, please lineup."

Pumila na sila papunta sa bus na sasakyan nila. Nakaramdam ng konting kaba si Chris lalo na't wala syang ideya sa lugar na kanilang pupuntahan. Wala rin syang proteksyon sa sarili kung sakali mang lapitan sya ng mga nilalang na nagnanais sakanya.

Tinapik sya ni Zel sa balikat ng mapansing tila may gumugulo sa kanyang isipan.

"Is there something wrong? You look nervous and tense." pag-aalala nito.

Napakurap sya at ngumiti ng mapakla sa binata.

"A-Ayos lang ako."

"Are you sure?" paniniguro nito.

Ngumiti sya sabay tango sa binata. Nakangiti itong inakbayan sya papasok sa bus na kanilang sasakyan, nilingon din nito si Lyon sabay ngisi.

*****

Samantala, nanlilisik naman ang mga mata ni Lyon na nakatitig sa dalawang nilalang na di kalayuan. Lumapit si Bifron at mahinang tinapik sya sa balikat.

"Pwede mo naman sya isama sa sasakyan,.. why don't you invite him." suhestyon nito.

Napatingin sya sa binata sabay buntong hininga.

"He's avoiding me these past few days, maybe he's not yet comfortable with me."

"I see.. but it seems like Azazel is making his move towards Chris. You better hurry up and keep an eye on him." paalala nito.

Muli nyang nilingon ang sinasakyan ng mga ito bago nya tuluyang talikuran ito.

*****

Tumagal ang byahe ng dalawang oras bago sila tuluyang makarating sa paroroonang lugar. Humanga si Chris sa ganda ng lugar na mala paraiso at tila isang pribadong lugar.

(See photos below:)

Hindi nya akalaing parte parin ng City A ang napakagandang lugar na iyon sa kabila ng mahabang byahe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi nya akalaing parte parin ng City A ang napakagandang lugar na iyon sa kabila ng mahabang byahe.

Kilala ang mala paraisong lugar na ito sa tawag na "Portae Septem". Meron itong pitong nagtataasang waterfalls at merong apat na magkakaibang laki na lawa sa gitna. Pinaghalong matitingkad na kulay pula at dilaw ang mga dahon ng mga punong pumapalibot dito na sumasayaw sa musika ng ihip ng hangin.

Meron ding iba't ibang klaseng uri ng mga magaganda at makukulay na bulaklak sa gilid na para bang humahalik sa napakalinis at bughaw na tubig. Tunay ngang kahanga-hanga ang tanawing ito. Tila ba'y kaysarap manirahan sa napakatahimik na lugar na iyon na kung saan tanging awit lamang ng mga ibon ang maririnig.

Natulala at napanganga si Chris sa ganda ng tanawin. Halos nawala ang antok nya at pagkabagot sa nasilayan ng kanyang mga mata. Hindi nya namalayan ang paglapit sakanya ni Zel na nakangiting nakatitig sakanya.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon