Chapter 2: The Unexpected Encounter (Part 1)

2.9K 121 2
                                    

'Auditorium...auditorium...auditorium hall....huh? Nasan ang auditorium?'

Tila bubuyog na bumubulong si Chris habang hinahanap ang room plate papuntang auditorium hall.

9:01 am

'Shit! Late na ako sa opening ceremony'

Nasa second floor na si Chris pero di nya parin mahanap ang papuntang auditorium hall. Naka ilang ikot na siya sa palapag na kung saan naroroon siya.

'Arrgghh!!!'

Sa inis ni Chris naihagis nya ang school map na hawak niya sa isang bukas na silid sa tapat niya. Dumiretso ito papasok na tila ba hinipan ng malakas na hangin..

'Eh?'

Huli na ng mapag tanto nyang pumasok nga sa silid ang papel na hawak nya. Mas lalong nadagdagan ang inis na naramdaman nya at dali daling nag martsa papasok sa nakabukas na silid.

Wala siyang makita, sobrang dilim. Kinapa niya ang pader sa tabi niya para hanapin ang switch pero bigo syang maabot ito.

Kinuha nya ang cellphone sa bulsa nya at binuksan ang ilaw nito. Hinanap nya ang nilipad na papel ngunit bigo syang makita kung nasaan. Humakbang pa sya sa pag aakalang baka nilipad ito ng malayo.

Ilang minuto pa ay nahagip ng kanyang mga mata ang puting papel sa ilalim ng upuan. Dali dali nya itong tinungo at dinampot.

'Nandito lang pala.... thank God.. hah! Ang layo naman ng inabot—.. huh??'

Napahinto siya sa pag dampot ng makita niyang nakasawsaw ito sa isang pulang likido. Nagtataka syang inilawan ito, at saka nya lang napagtanto kung ano ang bagay na yun.

Nanlaki ang mga mata nya at napaatras. Sumabit ang paa nya sa upuan dahilan para matumba sya at bumagsak.

Nalaglag ang cellphone na hawak nya at tumapat ang liwanag nito paitaas . Sinundan nya ng tingin ang bagay na naiilawan nito dahilan para makita nya ang dalawang nakalaylay na mapuputlang paa. Nanginginig syang itinaas pa ang kanyang paningin.

Isang bangkay ng babae ang nakabitin sa may poste. Putol ang kaliwang braso at tumutulo pa ang sariwang dugo, nakabukang bibig, putol na dila, nakalabas na mga bola ng mata at ang nakakagimbal sa lahat, hati ang ulo mula gitna ng anit hanggang sa ilong ng babae. Bahagyang nakabuka pa ito dahilan upang makita nya ang utak na nakatago rito.

Di nakagalaw sa kinauupuan si Chris, halos masuka sya sa kagimbal gimbal na eksena sa harapan nya. Gusto nyang tumakbo palabas, gusto nyang sumigaw pero di sya makagalaw at tila walang boses na lumalabas sa bibig nya.

Nanginginig sya, nanlalaki ang mga mata nya na tila ano mang oras ay magsisi labasan ang mga bola nito.

Ilang sandali pa ay biglang gumalaw ang bibig ng nilalang na nasa harapan nya, ngumiti ito sakanya kasabay ang paglabas ng maliit na tinig mula sa bibig nito..

"Isa....dalawa.....tatlo...——-."

TAKBO!!!!

Walang pag aalinlangan nyang dinampot ang cellphone sabay takbo palabas ng silid.

'Wag kang lilingon.....aahhh'

Mabilis na nakalayo si Chris pero bago pa man sya makarating sa unang palapag isang nilalang ang biglang sumulpot sa kanyang harapan dahilan para magulat at sumigaw sya ng malakas.

"Aaahhhhhhh!!!!!!"

Isang palad ang lumitaw at tumakip sa kanyang bibig.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon