Chapter 10: The Unspoken Desire (Part 1)

1.7K 97 8
                                    

~Criiiinnnnngggg!!

Sinubukan patayin nito ang tumunog na cellphone pero huli na ng magising si Chris.

'Fuck!'

Tatayo na sana ito at babalik sa dating anyo ng bigla syang hawakan sa braso ni Chris. Nanlaki ang mata nya at napatingin sa binata.

"Sino ka?" tanong nito na tila naalimpungatan.

Napangiti sya at hinawakan ang kamay ni Chris na nakakapit sa braso nya. Napabuntong hininga sya na tila nabunutan ng tinik.

"Bakit ka nandito? Kukunin mo na ba ako? Isa ka ba sakanila? Anong—..."

"...sshhhhh.." putol nito sa sasabihin nya "...sleep for now...don't worry, I'm here to protect you. I will never hurt you."

Idinampi nito ang labi sakanyang noo at ilang sandali pa nga ay nakatulog na ulit si Chris. Ngumiti ito at maingat na pinisil ang pisngi nya.

'Goodnight agapi mou'

***** <(↼‶)> *****

7:00 am (Sabado ng umaga)

Nagising si Chris sa tunog ng alarm clock nya. Dahan dahan syang bumangon at naupo sa kama. Inabot nya ang cellphone at nakita ang '5 missed call' galing sa magulang nya. Napatayo sya at dali daling tinawagan ang kanyang ina.

"Hello Ma?"

["Ikaw pala anak, kakagising mo lang ba?"] tanong ng kanyang ina sa kabilang linya. Halata ang di maikubling saya sa boses nito.

"Opo Ma, pasensya na po hindi ko nasagot ang tawag nyo kagabi." pagpapaliwanag nya.

["Naku ayos lang anak, pasensya ka na kung napatawag kami sa oras ng pagpapahinga mo. Eh, namimiss ka na kasi namin ng tatay mo"]

Napangiti si Chris at binuksan ang bintana. Umihip ang sariwang hangin papasok sa kwarto nya at kanya itong dinama.

["Kamusta ka na dyan anak? Kumakain ka ba ng maayos at ng tama sa oras? May allowance ka pa ba? Kamusta na ang pag aaral mo?"]

Lumapad ang ngiti sakanyang mga labi at napapikit.

"Si Mama talaga, bini baby nyo na naman ako. Wag po kayong mag alala, ayos lang po ang kalagayan ko dito. Kayo po ni Papa kamusta na po kayo? Yung mga kapatid ko? Inaalagaan ba kayo nila?" tanong ni Chris na napatingin sa katapat na gusali.

["Ayos naman kami anak, yung tatay mo nasa sakahan, si Charles nasa kaklase at may project daw. Si Chloe naman heto kalaro ang kapitbahay natin"]

"Mabuti naman po kung ganun, mag iingat po kayo palagi. Uuwi po agad ako pag may bakasyon kami. Wag nyo pong kalimutan yung maintenance nyo ni papa. Mahal na mahal ko po kayo" sagot nya.

["Sige anak, mag iingat ka rin dyan. Mahal na mahal ka namin."]

Ilang sandali pa ay napatingin sya sa lalaking lumabas sa terrace ng katapat nyang gusali. Nakasuot ito ng itim na bathrobe na pangtulog. Nakalabas ang dibdib nito na masasabi nyang mala adonis. Nakabagsak din ang hanggang balikat nitong kulay-kapeng buhok na tinatangay ng hangin. May hawak itong tasa na tila umiinom ng tsaa.

'Lyon?'

Napatingin sya sa sariling katawan at napangiwi. Alam nyang napakalabong maging katulad sya ni Lyon. Hindi nya maiwasang makaramdam ng inggit sa binata. Kumpara kina Asmo, Bifrons at Austin, ay masasabing "total package' na si Lyon dahil lahat ng katangiang hinahanap at hinahabol ng mga kababaihan ay sinalo na nya.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon