Chapter 23: Demon's Form (Part 2)

1.4K 81 6
                                    

"Lord Apollyon."

Lumuhod at yumuko si Mullins bilang paggalang sa nilalang na nakaupo sa itaas ng maliit na entablado. Binaba nito ang tingin at tinitigan sya ng walang ekspresyon.

Bahagyang ipinihit nito ang singsing sa hintuturo at nagsalita.

"You may rise."

Tumayo si Mullins at magalang na nagpasalamat.

"Lord Apollyon, natapos ko na po ang ipinapagawa nyo."

"Good. How about him?" tanong ni Apollyon.

"Nakabalik na po sya sa kanyang silid upang magpagaling."

Tumango lang ito at ilang segundo pa ay lumitaw ang isang itim na makapal na libro sa kamay nito.

"Lord Apollyon.."

Hindi sya nito nilingon, ibinaling nito ang atensyon sa pagbabasa.

"H-hindi ba't parang malala naman ang parusang iginawad mo sakanya?" nag-aalangang tanong nya.

Napahinto ito at dahan dahang ibinaling ang tingin sakanya.

"Are you questioning my decisions again Mullins." seryosong tanong nito.

"N-no, I dare not. P-pero parte parin sya ng mataas na konseho kaya—.."

"Ganun pa man hindi pa rin nagbabago ang katotohanan na may nilabag sya sa panuntunan," singit nito. "Walang exemptions ang parusa kahit ganu pa kataas ang posisyon na meron ang bawat isa. This is the fifth time he violated the rules so I have no choice. Masyado akong naging malambot sakanya nitong mga nakaraang taon kaya lumaki ang ulo nya. Ayukong isipin ng iba na may pinapanigan ako sa konseho at pamarisan ang maling ginawa ni Asmodeus. Nawa'y magsilbing babala ito sa lahat kung ano ang pwedeng maging kahitnan once na lumabag sila." tumayo ito at tinalikuran sya. "Hindi mabigat ang posisyong ibinigay ko sakanya kaya may sampung taon pa sya para maibalik ang dating posisyon nya sa konseho. Hindi ko rin sya tinatanggalan ng karapatan bilang pinuno kaya maswerte pa rin syang makakabalik sa ibabaw."

"Naiintindihan ko Lord Apollyon. Alam ko naman na may dahilan ka para gawin to. Ipinapangako ko po na babantayan ko ang bawat galaw nya para di na maulit to. Maraming salamat."

"Hm. By the way,.. kumusta sya." tanong nito na lumapit sa malaking bintana.

"Maayos na ang kondisyon nya pati na rin ng kaibigan nya. Kinausap ko na rin ang faculty members about sa situation nila."

"Good." tipid nitong sagot.

"About him,.. ano ng plano mo sakanya?" tanong nya rito.

Natahimik ito bago mahinang nagsalita.

"Mas mabuti parin na wala syang alam sa kung ano tayo. Sa ganung paraan ako mas makakampanteng walang makaka galaw sakanya."

"Kung ganun.... totoo ngang siya ang taong yun." sabi ni Mullins na tila may nadiskubre.

Hindi ito sumagot at naglakad papasok sa silid na katapat nito.

*****

Nagising si Chris sa nakakasilaw ng liwanag mula sa malaking bintana. Inimulat nya ang mga mata at tumambad sa paningin nya ang gwapong mukha ni Lyon na nakatitig sakanya.

Sobrang lapit ng mukha nito sakanya na halos sentemetro nalang ang pagitan. Napabalikwas sya ng bangon dahilan para umuntog ang noo nya sa mukha nito.

/bang!/

"Argh!!" napahiga ulit sya na hawak ang noo.

"Idiot! Why did you get up so suddenly?!" galit na saad nito. Hinawakan nito ang namumula nyang noo at hinimas.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon