Chapter 36: The Sweetest Confession (Part 2)

1.1K 77 1
                                    

Sumilip si Chris sa malaking puno na nasa likod ng isang malaking tent. Medyo may kadiliman sa kinaroroonan nya at tanging ang sinindihang apoy ng mga tuyong sanga ng kahoy ang nagbibigay liwanag sa lugar na iyon.

Napatingin sya sa mga maiingay na estudyanteng nakapaligid dito. May mga nagkukumpulan din sa iba't ibang dako na masayang nagkikwentuhan at nagkakainan.

Muli nyang inikot ang paningin sa paligid nito ng biglang may bumulong sakanya.

"What are you doing here?"

"Eeecckk!!"

Muntik ng mapatalon sa gulat si Chris. Nanlalaki ang kanyang mga matang nilingon ang binatang nakangiti.

"A-Asmo... anong... g-ginagawa mo dito?"

"Yan din ang gusto kong itanong sayo... Anong ginagawa mo dito?" tanong nito na pinagkrus ang mga braso.

"Ah... ha-ha... ano.. m-may tiningnan lang ako.."

Tumaas ang kilay nito na halatang nagdududa sa paliwanag nya.

"You're looking for him?" anya nito na biglang ngumiti.

"H-Hindi!!"

"Oh? Really?" tanong nito na may halong pagdududa.

Agad namang namula ang mukha nya ng mabuko nito ang kasinungalingan nya.

"Anyway, it doesn't matter.. Let's go." biglang hinila nito ang braso nya papunta sa mga nagkukumpulang mga estudyante.

"T-Teka Asmo!!"

Hindi sya nito pinansin sa kabila ng mga apila nya. Ilang sandali pa ay dinala sya nito sa grupo ng mga estudyanteng nasa ikalawang taon. Pinaupo sya nito sa tabi ni Bifron na kanina pa sila hinihintay.

Nagtataka ring napatingin sakanya ang mga ito na nagbulungan.

"By the way, everyone.. let me introduce this cute little fella.. Chris Olivares from Year 1."

Nginitian sya ng mga ito na binati sya. Lumapit sya kay Asmo at mahinang bumulong sa binata.

"A-Asmo... sa tingin ko hindi tamang nandito ako sa grupo nyo."

"Ano bang sinasabi mo? Wala namang nagbabawal na sumali ka sa iba, just stay here and enjoy the night." sabi nito na iniabot ang isang lata ng inumin sa kanya.

Pinagpapawisan syang napalunok, tila natuyo ang lalamunan nya sa kaba kaya napainom sya. Maya't maya pa ay naubo si Chris ng matikman ang ibinigay nitong inumin.

"Beer?!" namimilog ang mga mata nyang napatingin kay Asmo na nakangiting iniinom ang hawak na lata ng beer.

"Hmm?" inosenteng tanong nito.

"Panong?!" malakas nyang tugon dito dahilan para mapatingin sa dako nya ang ilang mga estudyante.

Agad nyang hininaan ang kanyang boses sabay tingin ng masama kay Asmo.

"Di ba kayo natatakot na mahuli ng mga Professor?" tanong nya sabay ikot ng paningin sa paligid.

"Heh? Pfftt... hahahahaha!!" mahinang natawa sakanya si Asmo na tinapik ang balikat nya.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon