Chapter 26: Blood Link (Part 2)

1.2K 79 2
                                    

Patakbong bumalik si Chris sa tapat ng unibersidad. Nadadagdagan ang kaba na nararamdaman nya sa dibdib habang papalapit sa gusali.

Humihingal syang napatigil sa tapat ng bench na pinangalingan nya kanina. Madilim na rin sa lugar at tanging mga street lights na lamang ang nagbibigay liwanag sa lugar. Binuksan nya ang ilaw ng cellphone at inilawan ang ilalim ng upuan.

'Fuck, san ko ba naiwala yun?'

Labis ang pag-aalala na nararamdaman ni Chris sa mga oras na yun. Ang kwentas lang ang huling pag-asa nya upang tigilan sya ng mga nilalang na nagnanais sakanya.

Muli nyang ibinalik ang atensyon sa lugar kung saan tumakbo sila ni Austin at sinundan ito.

"Psssttt!"

Nanlaki ang mga mata ni Chris sabay lunok.

"Pssssttt!"

Nagsitaasan ang kanyang mga balahibo ng maramdamang tila may isang nilalang sa kanyang likuran. Napapikit sya habang pinipigil ang panginginig ng kanyang buong katawan.

Ilang sandali pa ay naramdaman nya ang malamig na palad sa kanyang balikat. Pinagpawisan syang ipinikit ng maigi ang kanyang mga mata ngunit ilang sandali pa ay biglang dumausdos ang mga matutulis nitong kuko sa kanyang leeg.

Habol hininga syang nanginginig, tila nag-uunahan sa pagtibok ang kanyang dibdib.

"Chris?"

Nagulat si Chris at agad na napalingon. Nawala rin ang presensya ng nilalang sa kanyang leeg.

"A-Asmo?"

Ngumiti ang binata at lumapit sa kinaroroonan nya. Hindi nya napansin ang mga kamay nito na nakatago sa likuran. Mapwersa nitong hinihigpitan ang leeg ng isang maliit na nilalang.

"Anong ginagawa mo rito?" kalmadong tanong ni Asmo.

"Ah.. a-ano, may hinahanap lang ako kaya.." nagkakamot syang ngumiti sa binata.

"Sa ganitong oras? Ano bang hinahanap mo? Napakahalaga ba nun para lumabas ka ng dorm at hindi ipagpabukas nalang ang paghahanap?"

"Ah... h-hindi naman, hehe.. Pabalik na rin ako ng dorm. Eh ikaw, anong... ginagawa mo rito?" tanong nya kay Asmo.

"Napag-utusan akong mag patrolya para hulihin ang mga pasaway na estudyanteng katulad mo na nasa labas pa kahit may curfew." sagot nito na tumawa.

"G-ganun ba.. ha-ha! P-pasensya na haha! Sige mauna na ako." pagpaalam nya rito.

Nakangiti itong tumango sakanya ngunit ilang sandali pa ay bigla itong napasigaw.

"Chris!!!"

"Huh?"

Bigla sya nitong sinunggaban dahilan para matumba sila pareho. Umibabaw sakanya ang binata kasabay ang pagbagsak ng isang poste ng ilaw sa likuran nito.

"Argh!" sigaw nito.

Nanlaki ang mga mata ni Chris ng makita ang pagtulo ng dugo sa may noo nito.

"Asmo!!"

Napapikit ito na patuloy ang pagdaing sa sakit. Hindi niya napansin ang pagtakas ng isang nilalang matapos na hindi magtagumpay sa isinagawang plano.

Nanginginig ang mga kamay ni Chris na itinulak ang poste sa likurang bahagi nito.

"Asmo! Asmo! Fuck!!" niyugyog nya ang binata na tila nawalan ng malay.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon