Chapter 6: Risk (Part 2)

2K 99 4
                                    

Nagising si Chris sa isang malambot na kama. Inikot nya ang paningin sa silid at dahan dahang naupo.

"You're awake....how are you feeling?"

Napalingon si Chris at nakita ang binatang nakaupo sa sofa na umiinom ng tsaa. Nakatuon din ang atensyon nito sa makapal na libro, maya maya pa ay lumapit ito sa kinaroroonan nya.

"S-Senior....ah..Bifron?" tatayo na sana si Chris ng pigilan sya nito.

"Stay there... you need to recuperate first" sagot nito na inayos ang salamin at isinara ang hawak na libro.

"A-Anong nangyare?"

"Narinig namin ang malakas na kalabog mula sa silid mo. Buti nalang nasa kabilang kwarto kami at hawak ko ang mga susi. Hindi ka sumasagot kaya binuksan na namin ang kwarto...Nakita ka naming nakahandusay at mataas ang lagnat" seryosong sagot nito na nakatitig ng mariin sakanya.

Napayuko sya at nasapo ang noo.

"P-pasensya na sa abala...pero maayos na ang pakiramdam ko. Kailangan ko ng bumalik sa kla—.."

"No need, kinontak ko na ang mga professors mo. Alam na nila ang sitwasyon mo so no need to worry about it. Magpahinga ka nalang muna sa ngayun at bukas ka na bumalik sa room mo. Maya maya babalik ang doctor para icheck up ka kaya mag stay ka lang dito. Nagpahanda narin ako ng porridge kaya kumain ka muna bago uminom ng gamot. Babalik ako mamayang hapon para icheck ka." dire diretsong sagot nito dahilan para mapanganga sya.

"Ah...Umm...s-salamat"

"It's ok... it was also our duty to prioritize the safety of students here in Gehenna" sagot nito, ".... i gotta go, if you need something else just call me..."

Nagpaalam na ito at lumabas ng silid. Napabuntong hininga sya at dahan dahang nahiga. Napatingin sya sa paligid at napansin ang mga gamit pang ospital. Hindi nya aakalaing isang University infirmary ito. Napakalinis at elegante ng lugar, makikita rin ang ibat ibang kulay at uri ng bulaklak sa mesa sa tabi nya.

Napaupo sya ng mapansin ang note sa gilid nito. Inabot nya ito at binasa ang nakasulat.

'Take care of yourself little bastard. It was too risky to take care of you. Be careful next time and don't make a trouble for yourself or else you're dead meat.'

~Lyon

'B-bastard?!'

Biglang naalala nya ang supladong binata na nakilala nya sa second floor ng school building. Lyon pala ang pangalan nya.

'Eh? Anong problema ng taong to?! Sino sya para utusan ako!'

Napasinghal si Chris na pinunit at itinapon ang note sa mini trash can. Humiga sya at nagtakip ng kumot. Ilang minuto pa nga ay nakatulog na sya.

****

"Is he awake? How is he doing?" tanong ng lalaki kay Bifron. Nakatayo ito sa isang balkonahe at nakatingin sa malayo.

"I think he's fine. Pinag papahinga ko nalang sya sa infirmary. Wala namang problema sabi ng doctor except...."

"Except what?" lumingon ito at naningkit ang mga mata.

"Over fatigue and excessive essence" sagot ni Bifron na humigop ng tsaa.

"Excessive essence? What do you mean mean by that?" tanong nito na kumunot ang noo.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon