Chapter 8: The Hidden Truth (Part 1)

1.9K 101 1
                                    

Nasa ground floor na ng dormitory si Chris bitbit ang maliit na bag. Usapan nilang susunduin sya ni Austin ngunit di na nya ito inabalang kontakin para puntahan sya. Marami na ring estudyante ang bumaba para mag agahan at meron ding mga pabalik sa kani kanilang silid. Sumakay siya ng elevator kasabay ang ilang estudyante pa akyat sa building.

"...Oh my god!! Totoo palang haunted ang lugar na yun?" tanong ng isang babae sa mga kasama nya.

".....Nandun ang mga pulis ngayun, dinig ko tatlong babae daw ang natagpuan.."

Kumunot ang noo ni Chris sa narinig. Pinakinggan nyang mabuti ang pinag uusapan ng magkakaibigan at sa hindi nya malamang dahilan ay bigla syang nakaramdam ng kaba at takot.

"....Oo sabi nung mga kaibigan nila, dalawang araw na daw di bumabalik yung tatlo sa dorm. Tinatawagan pa nga daw nila pero nakapatay ang cellphone. Sinong di mag aakala na patay na pala ang mga kaibigan nila...." sagot ng isang lalaki.

Nanlaki ang mga mata ni Chris at ilang sandali pa ay tumunog at bumukas ang elevator. Nasa ikaapat na palapag na sya at nagmamadaling lumabas. Maya't maya pa ay nakasalubong nya si Austin sa pasilyo.

"Pre, san ka papunta?" tanong ni Chris.

"Ah nandito ka na pala, nabalitaan mo na ba yung nangyare?"

Kumunot ang noo ni Chris.

"M-may narinig ako, pero di ako sigurado....ano bang nangyare?"

"I'm not sure pero dinig ko may natagpuang tatlong bangkay ng babae sa 6th floor kaninang madaling araw. Iniimbistagahan na ng pulis ang nangyare." sagot ni Austin.

Biglang nakaramdam ng kilabot si Chris at nanginig.

"Ah...Umm.. pre pwede mo ba akong samahan papuntang 6th floor? M-may gusto lang akong makita" sabi ni Chris.

"Huh? Bakit? Sigurado ka?" tanong ni Austin na nagtataka.

"O-oo, babalik ako... iiwan ko lang tong gamit sa silid ko."

***

Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa ikaanim na palapag. Maraming estudyante ang nagkukumpulan sa pinto ng isang silid. Halos di sila makalapit sa sobrang siksikan. Itinulak sya ni Austin papuntang harapan, at dahil maliit lang ang kanyang katawan ay matagumpay syang nakalapit sa may pintuan. Halos pagpawisan sya sa sobrang dami ng tao ngunit di nya ito alintana.

Dalawang pulis ang nakabantay sa pintuan upang harangan ang mga nakikipag usyosong estudyante. Sumilip sya sa loob at nanlaki ang nanginginig nyang mga mata. Nakilala nya ang tatlong bangkay na inilapag ng mga pulis sa sahig. Pinag pawisan sya ng malamig at napalunok.

Hindi sya maaaring magkamali. Natatandaan nya na ang mga ito. Sila yung mga babae na nakita nila sa cafeteria noong nakaraang araw na nagbabalak na pumunta sa palapag na iyon. Ito rin ang mga babaeng nakita nya sa pasilyo ng infirmary ng madaling araw.

Inikot nya ang paningin sa silid na yun at napatingin sa room plate. R-G666.

'Dito...dito rin sila namatay sa silid na to. Pero bakit sila nagpakita sakin? Bakit nila ako hinahabol, anong kailangan nila sakin at ano ang gusto nilang ipahiwatig?'

Ilang sandali pa ay may lumapit sa pinto sa tapat ni Chris. Iniangat nya ang kanyang ulo at napatingin sa kanyang harapan.

"S-senior? Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ni Chris.

"I gave statement to the police about the incident. How about you? What are you doing here?" sagot nito na inayos ang salamin.

"Ah..eh...Ano kasi..n-nabalitaan ko yung nangyari kaya naparito ako" napakamot sa ulo si Chris.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon