Chapter 20: Kiss of the Demon (Part 1)

1.5K 95 3
                                    

"S-supreme scream?" tanong ni Chris na nanlalaki ang mga mata.

"Hahaha!! Oo masaya yun! Ano tara?!" excited na tanong sakanya ni Austin.

"Kakarating lang natin tapos gusto mo na agad ng extreme ride? Sigurado ka?" tanong nya ulit dito.

"Samin walang problema kahit ano." singit ni Asmo na nakangiti.

Hindi ito pinansin ni Chris at tinanaw ang roller coaster na sinasabi ng kaibigan. Napakakataas nito na aabot ng 128 m. Sa isang tingin palang ay tila nakakalula na ito.

Napalunok sya na tumango sa kaibigan at nagmartsa papunta sa rides na napili.

(Matapos ang kalahating oras)

"Hahaha!! Ang saya nun, sa susunod sakyan ulit natin yun!" tuwang tuwang sambit ni Chris. Nagkikislapan ang mga mata nito na muling tinanaw ang sinakyang roller coaster.

"Bleerrrgghhh!! Hah! Hah! D-di na ako u-ulit.. bleerrrgghh!" sagot ni Austin na dina napigil ang pagsusuka.

"Eh?"

Nagtawanan lang sila nina Asmo na tinutukso ito. Nakangiti namang napailing ang Senior nya na hindi inakalang mahina ang sikmura nito. Samantala, tahimik lang na nakatitig si Lyon sakanya na seryoso parin ang mukha.

'Tsk! You really enjoyed this nonsense thing huh.' sabi ni Lyon sa sarili.

Halos naubos din nilang subukan ang iba't ibang rides sa Amusement Park. Hindi agad nila namalayan ang oras na magdidilim na pala.

"Ano kaya kung... mag by pair tayo sa pamimili ng mga souvenirs?" suhestyon ni Asmo.

"Kung ganun, pipiliin ko si Austin." diretsahang sagot ni Chris.

Lalapit na sana sakanya ang kaibigan ng biglang hilahin ang kwelyo nito ni Asmo. Ngumiti ito ng mapakla at tumingin sakanya.

"How about this.. Kayo ni Lyon at samin ni Mullins si Austin?.. Isa pa hindi nyo pa kabisado ang pasikot sikot dito right? Mas mabuti ng may kasama kayong expert in case na maligaw kayo." ngumiti si Asmo sakanya at bumaling ang atensyon nito kay Lyon. Nag salubong ang kilay ng binata na tila alam na ang pinaplano nya.

Lumingon si Chris sa kinaroroonan ni Lyon na tila walang pakealam.

'Sa tingin ko ako ang mauunang mawala pag sya ang kasama ko.'

Napabuntong hininga syang tinitigan ang kaibigan na tila nagmamakaawa ngunit bago pa man ito magsalita, ay hinila ito ni Asmo at lumakad palayo kasama ang Senior nya.

Hindi sya makapaniwalang tuluyan na nga syang iniwan sa lalaking yun. Nagkakamot syang nilingon ang binata at tila nagmamaktol na nagsalita.

"H-hindi mo naman ako kailangan samahan, kung gusto mo bu—.."

"Let's go." sabat nito sa mga sasabihin nya.

"H-huh?"

"W-where would you like to buy souvenirs?" tanong nito na medyo naubo pa at napakamot sa batok.

"Um.. m-may nadaanan tayo kanina. Gusto kong balikan para tingnan." naiilang nyang sagot dito.

"Then let's go."

Tahimik silang magkatabi na naglakad. Tila nagpapakiramdaman lang sila sa tuwing may gusto syang tingnan sa mga naka display na iba't ibang klase na pang dekorasyon.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon