S2: Chapter 39

1.5K 95 36
                                    

Gehenna Dormitories

Tahimik at tila nagpapakiramdaman ang dalawang binata sa loob ng R-G464.

Pangiti-ngiti at nakakalong-baba si Lyon habang pinapanood ang binata. Mapupula naman ang mga pisngi ni Chris at pilit na itinatago ang sarili laban sa maiinit na titig ng mapanganib na nilalang sa kanyang harapan.

Labin-limang minuto...

Tatlumpung minuto...

Isang oras....

Maya't-maya ay tuluyan na ngang hindi natiis ni Chris ang kakaibang pakiramdam na unti-unting nagpapalakas ng tibok ng kanyang puso...

'Ang lalaking to.... gaano katagal nya gusto makipag-titigan ng ganito?....'

Mabilis na napatayo mula sa kinauupuan si Chris sabay seryosong tinitigan ang binata sa kanyang harapan.

"Lyon.... wala ka bang... balak bumalik sa silid mo?"

Bahagyang tumaas ang kilay ng binata sabay pinag-krus ang mga braso matapos marinig ang mga sinabi nya.

"Hmm? Why? Want me to leave? Did you regret it? Want to runaway from me after what happened?"

Mahigit isang oras na ang nakakalipas mula ng makabalik sila sa Gehenna at ang lalaking ito.... mula pa ng makasakay sila sa sasakyan pabalik sa unibersidad ay laging nakatitig sakanya.

Lagi rin ito naghihintay at nag-aabang ng tiyansyang mayakap at mahalikan siya....

Hinimas nya ang nananakit nyang sintido habang nakapikit ang mata.

'Iniisip nya ba'ng tatakbuhan ko sya matapos ang nangyare?'

Mapangib itong ngumiti at lumapit sa kinatatayuan nya. Inilapit nito ang mga labi sa kanyang taenga sabay bumulong.

"Too bad... hindi mangyayare yun... hindi na kita papakawalan pa... AKIN KA LANG CHRIS...."

Namula ang kanyang taenga matapos nya maramdaman ang mainit na hininga sa likod ng kanyang taenga. Tila ba may dalang kiliti at mainit na sensasyon ang bawat salita nito dahilan upang bahagyang kilabutan siya.

Ilang sandali pa ay naramdaman nya mainit at mahigpit na bisig mula sa kanyang likuran. Ipinalibot ng binata ang braso nito sa kanyang maliit na beywang sabay ipinatong ang baba sa pagitan ng kanyang maputing leeg at balikat.

"Chris.... how about living with me?" malambing na tanong ni Lyon na bahagyang namamaos.

".....?!!!!"

Muli nyang naramdam ang mainit na hininga papalapit sa kangyang leeg dahilan upang mapalunok sya.

Σ(゜ロ゜;)

'.... /gulp!/ .... m-masama to...'

Itinulak niya ang mukha nito palayo sa kanyang leeg. Mabilis na napatalon si Chris at agad kumawala mula sa bisig ng binata.

"I-Ikaw! A-Anong pinag-sasabi mo?! Sinong gustong tumira kasama ka?!!"

Nanginginig siyang napaatras habang namumula ang buong mukha.

"Ganun ba?" anya nito na may halong panghihinayang.

'Manyak na 'to! Akala mo di ko alam ang iniisip mo?!'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon