Chapter 38: Heart's Desire

1.4K 88 5
                                    

"Hmm.."

Nagising si Chris na masakit ang ulo at katawan. Unti-unting inimulat nya ang kanyang mga mata at dahan-dahang bumangon sa kinahihigaan.

Napapikit sya sabay minasahe ang kumikirot na sintido.

'Hm.. Anong nangyare kagabi?'

Maya't maya pa ay naalala nyang nakainom nga pala sya. Napabuntong hininga nalang sya sabay idinalat ang mga mata.

'Ah... Naparami ata inom ko, mukhang nalasing ata ako kagabi.'

Inikot nya ang kanyang mga mata sa paligid. Napakunot noo sya ng mapansing hindi pamilyar ang loob ng tent na ito.

'Huh? T-Teka.. Nasan ako?'

Tatayo na sana sa kinauupuan si Chris ng biglang mahilo sya kasabay ng muling pananakit ng kanyang ulo.

Ilang sandali pa ay bumukas ang tent na ikinagulat nya. Unti-unti nyang itinaas ang paningin sa taong pumasok, ngunit masyadong maliwanag ang sinag ng araw mula sa likuran nito dahilan para di nya ito makilala.

"U-Umm.. P-Pasensya na, masyadong lasing ako kagabi kaya di ko namalayang ibang tent na pala ang napasok ko. Pasensya na talaga, aalis din agad ak—-.."

Napatigil sa pagsasalita si Chris ng bigla sya nitong paimbabawan. Muli syang bumagsak sa higaan, mahigpit nitong hinawakan ang magkabilaan nyang pulso sabay ipinako sa kanyang kinahihigaan.

Nanlaki ang mga mata nya sa ginawa nito, hindi rin sya makagalaw sa kinahihigaan dahil sa nakapatong nitong mabigat na katawan.

"Don't tell me, you've already forgotten what happened last night." anya nito dahilan para muli syang mapatingin rito.

"L-Lyon?!"

Mariing tinitigan sya nito na halos ilang sentemetro nalang ang pagitan ng kanilang mga mukha. Napalunok sya habang namimilog ang mga mata.

Wala syang maalala sa mga nangyare nung gabing yun. Ang tanging natatandaan nya lang ay naglaro sila at napainom sya ng ilang latang beer. Pilit nyang inaalala kung may nagawa ba syang kagaguhan habang lasing at wala sa ulirat.

Agad na nabasa ni Lyon ang naiisip nya dahilan para magsalubong ang mga kilay nito.

"You've really got some balls huh?! Well then..."

Biglang dumausdos ang mga daliri nito papasok sa suot nyang t-shirt. Tila nagtaasan ang lahat ng balahibo nya sa katawan ng maramdaman ang daliri nito sa sensitibong parte ng kanyang balat. Bahagya syang nanginig na ikinatuwa naman ni Lyon.

"I will let you remember what happened last night... bit..by..bit.." anya ni Lyon na bumulong ng mapang-akit sa kanyang tenga dahilan para mag-init ang kanyang mukha.

Ilang sandali pa ay bigla syang napasigaw ng maramdaman ang kamay nito sa puson nya.

"Ahh!!.. T-Teka Lyon!!! N-Naaalala ko na .. natatandaan ko na.. please itigil mo na to!"

Pilit syang kumawala dito ng maramdaman nya ang pinaka mapanganib na sensasyon sa buong katawan. Nanginginig ang buong katawan nya kasabay ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.

Napatingin sakanya ang binata na tila nagdududa sa kanyang mga sinasabi.

"Oh? Then let me hear it once again." nakangising sagot nito na mariing nakatitig sakanya.

Namula ang pisngi nya sabay napalunok. Itinigil nito ang paglalakbay ng daliri sa balat nya at napahawak sa manipis nyang bewang.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon