Chapter 9: The Hidden Truth (Part 2)

1.7K 91 3
                                    

Humugot ng malalim na buntong hininga si Bifrons at pinagkrus ang mga braso.

"Isang taon na ang nakakaraan ng may aksidenteng nangyare sa lugar na yun kaya napag pasyahan ng eskwelahan na ipasara ang silid na yun. Yung sinasabi mo na nagbigti o kung ano paman, gawa-gawa lang yun ng mga seniors nyo para manakot sa mga freshmen. Walang kinalaman ang nakaraang pangyayare sa insidente ngayun. Isa pa, walang scientific explanation ang magpapatunay sa sinabi mo." paliwanag ni Bifrons.

"P-pero Senior!!.." apila ni Chris.

"Chris...enough." pagputol nito sa sasabihin nya. "...you can go back to your room. Kung ano man ang nangyare, kalimutan mo na. Lumabas na ang resulta, kaya wala na tayong magagawa dun."

Tahimik na lumabas ng silid si Chris, tila binagsakan sya ng langit at lupa. Kinuyom nya ang mga kamay at nangangalaiting sinuntok ang kalapit na pader.

'Bakit?! Bakit ba ayaw nyo akong paniwalaan?'

Alam nyang may mali, at alam nya sa sarili nya na hindi normal ang nangyare ngunit wala syang magawa para mapatunayan ito.

****

Napaupo si Bifrons ng tuluyan ng makaalis si Chris.

"What do you think? Masyadong matalino ang batang yun." tanong ni Bifrons na humigop ng tsaa.

Biglang sumulpot ang maitim na usok galing sa isang larawan. Nag anyong tao ito na nakasuot ng itim na kapa. Naupo ito sa sofa at ipinatong ang dalawang paa sa mesa.

"Of course he is... by the way how's the case?" tanong nito na hinigop ang tsaang hindi pa naubos ni Chris.

Tumingin sakanya si Bifron at napailing. Hindi nya pinansin ang reaksyon ng binata at nagkunwaring wala lang nangyare.

"Na check na namin ang mga katawan pero wala kaming nakitang marka. Naka posisyon parin si Asmo kung sakali man na bumalik ito mamayang gabi." sagot ni Bifrons.

"Good." tumayo ito at nakahanda ng umalis.

"Ano ng plano mo sakanya?" pahabol nya. Lumingon ito sakanya at ngumisi.

"Nothing, just do what I asked you to do. Let him play first until he gets tired and the rest,...I'll take care of it." tumalikod ito at ilang sandali pa ay nawala ng parang bula.

Napabuntong hininga nalang si Bifrons na tila nanakit ang ulo. Ilang sandali pa ay nakarinig sya ng tugtog.

🎶 Peppa pig!.... peppa pig... 🎶

Kumunot ang noo nya at hinanap ang pinanggalingan ng tunog. Ilang sandali pa ay napunta sya sa kanyang mesa kung saan nakapatong ang cellphone nya. Nagba vibrate ito kasabay ang tugtog na nagpakulo ng dugo nya.

🎶 Peppa pig!.....peppa pig... 🎶

Agad nya itong dinampot at pasigaw na sinagot.

"You, shameless bastard!!!!"

["Yooowww!! Pfft! Hahaha!! May problema ba, bat ang init ng ulo mo"] sagot sa kabilang linya.

"How dare you change my call ringtone with your shit song!!! Come here bastard and I'll kill you!!!" nangangalaiting sigaw ni Bifron.

["Hahaha!! Easy dude....Don't you like it huh SENIOR?"] sagot nito na diniian ang huling salita.

"Asmo, you bastard!!! I'll surely fucking kill you!!!"

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon