Chapter 15: The Agreement

1.5K 87 1
                                    

"Make a pact with demon"

"H-huh?" tanong ni Chris na tila may mali sa narinig.

"That's all I can say for now... I'm leaving—-.." sagot nito na tinalikuran sya.

"S-sandali lang!!"

Tumigil ito ngunit di lumingon sakanya.

"K-kapag nakipag kasunduan ba ako....matitigil na to?"

Hindi sya agad nito sinagot dahilan para makaramdam sya ng prustasyon.

"...Depende kung anong kaya mong ibigay na kapalit."

"A-Anong kapalit?" kinakabahan nyang tanong. Tumagal ang katahimikan ng isang minuto sa pagitan nila at ilang sandali pa ay nagsalita ito.

"It's either your life or your soul."

Nanlaki ang mga mata nya at napaawang ang labi. Yumuko sya at muling napalunok. Alam nyang ito parin ang patutunguhan nya at kahit kailan ay di nya ito matatakasan.

Pero alam nya ang katotohanan sa buhay ng tao. Kung gusto nyang mabuhay ng matagal ay kailangan nyang sumugal. Ito nalang ang natitirang pag asa nya.

Inangat nya ang ulo at tumingin sa nakatayong nilalang. Napakagat labi sya at pumikit.

"K-kung ganun... m-makipag kasunduan ka sakin.."

Nilingon sya nito na naniningkit ang mga mata.

"What did you say?" maawtoridad nitong tanong.

Tiningnan nya ito na nanginginig ang labi.

"G-gusto kong m-makipag kasunduan sayo—-.."

Wala pang isang segundo ng bigla itong sumulpot sa harapan nya. Namilog ang mga mata nya ng bigla sya nitong kwelyuhan at ilapit sa mukha nito.

"... and why would I do that?! Are you out of your mind?! Alam mo ba kung ano ang mga pinagsasabi mo?!!!... Naiintidihan mo ba ang sinabi ko?!! Buhay mo ang kapalit pati ang kaluluwa mo!!"

Nanlilisik ang mga mata nito sa likod ng maskara. Di nya man makita, ay ramdam nya ang nag uumapaw na galit nito. Nakaramdam sya ng matinding takot ngunit pinilit nyang hindi ipahalata ito.

Ibinaba ni Chris ang paningin at ngumiti ng mapakla.

"Alam ko.. nakahanda na ako para dun."

Ilang sandali pa ay bigla sya nitong binitawan dahilan para muntik na syang mawalan ng balanse.

"You!.. annoying bastard..." mahinang sagot nito na halos wala ng masabi. Iniwas nito ang paningin sakanya at napabuntong hininga. Tila nagtitimpi parin ito.

"P-pasensya na.. Wala na talaga akong maisip na ibang paraan... sana mapagbigyan mo ako."

"No... you must think about the consequences of your decisions. You don't have to rush." kalmadong sagot nito.

"P-Pero—-.." apila niya.

"Chris... hindi isang laro ang gusto mong mangyari. Once you enter or form a pact, there's no turning back... That's the number one rule of demonic consortium."

Napaawang ang bibig nya at malungkot na yumuko.

"Wala na bang ibang paraan?" tanong nya.

"You don't have to worry... take this." sabi nito na may inabot na kwentas sakanya. Tiningnan ito ni Chris at napansin ang maliit na batong palawit na kulay pilak. Sa loob nito ay tila may gumagalaw na itim na usok. Nagtataka syang napatingin sa binata.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon