Chapter 37: The Sweetest Confession (Part 3)

1.2K 86 3
                                    

Main Area

"So sya na rin pala ang naglakas loob na puntahan si Lyon." anya ni Bifron na nakasandal sa malaking puno.

Walang bakas ng ininom na beer at kalasingan ang dalawang binata na nagkunwaring nakatulog upang masilayan ang kaaya-ayang senaryo sa pagitan nina Lyon at Chris.

"Sabi ko naman sayo, magiging matagumpay ang plano ko. Ako pa ba? Ako yata si Asmodeus, ang pinakamatalino at pinakamagiting na prinsipe." sagot ni Asmo na pinupuri at bilib na bilib sa sarili.

"Kailan pa naging matchmaker ang demon of Lust?" apila naman ni Bifron na binuksan ang natitirang lata ng beer.

"Pfftt.. don't worry Senior brother, hahanapan din kita ng ka match mo.. no need to feel envious." panunukso nito.

"Tsk! Whatever.. So ano ng gagawin natin sakanila." tanong ni Bifron na tiningnan ang katawan ng dalawang nilalang sa loob ng tent.

Nakahiga dito ang tulog na si Austin na sobra ang kalasingan at si Zel na wala namang malay at tila ba hindi humihinga.

"Nasayo ba ang antidote?" tanong ni Asmo.

"Yeah, may natitirang limang oras pa bago mawalan ng bisa ang gamot sa vessel ni Lord Azazel. Masyadong malakas ang resistance ng mga katulad nila kumpara sating mga mababang uri at nasa mababang posisyon. Sa vessel lang tayo may tsansang pahinain ang proteksyon nya. Siguradong hindi nya to papalampasin oras na magising sya." anya naman ni Bifron na napatingin sa katawan ni Zel.

"As expected from a master demon of science.. Bilib talaga ako sa mga research mo.. Well, I'm sure naman na bago nya pa magawa ang mga plano nya ay matagumpay nang naisagawa ang plano natin."

"Sana nga.. Si Chris na lang ang natitira nating pag-asa. Nasa kamay nya na ang lahat ng desisyon at pamamaraan kung pano nya to aayusin. Let's hope for a positive result. Wag sana syang pahirapan ni Lord Apollyon." nag-aalalang tugon nya.

"Sigurado naman akong hindi sya matitiis ni brother Lyon. I mean, ilang libong taon din nyang hinintay at hinanap ang batang yun. Naniniwala naman akong makakagawa sya ng paraan kahit pigilan pa sya ng kapatid nya." anya ni Asmo.

"Di ko alam kung bakit ganun na lang ang galit ni Lord Azazel kay Lord Apollyon. Dati halos walang makapag hiwalay sakanila. Wala ring kayang dungisan ang magandang relasyon nila sa isa't isa, isa silang perpektong simbolo ng magkapatid.. pero ngayun, tila isang bulang biglang naglaho ang lahat.. sigurado akong di lang isang simpleng rason ang di pagkakaintindihan nilang magkapatid."

Napatango nalang si Asmo na tila napapaisip din ng malalim sa kanyang mga sinabi.

*****

Portae Septem

Napalingon si Chris sa kanyang likuran. Isang hakbang nalang ay malapit na syang malaglag sa napakalalim na bangin kung saan umaagos ang malakas na tubig mula sa waterfalls.

Hindi nya napansing napadpad na pala sya sa tuktok ng Portae Septem Waterfalls. Nanginginig ang mga daliri nyang humigpit ang pagkaka-kapit sa braso ng binatang kaharap nya.

Mahigpit namang nakahawak si Lyon sa kanyang bewang dahilan para magdikit ang kanilang mga katawan. Muli nyang nilingon ang binata na hindi nya agad nakilala dahil sa sobrang pagkahilo nya.

"L-Lyon? Ikaw ba yan?"

Tanong ni Chris sa binata na di nya gaanong maaninag, dahan-dahang iniangat nya ang kanyang kamay sabay dampi sa mukha ng binata. Naramdaman nya ang napaka lamig nitong balat, bahagya nya itong hinimas na tila ba sinusuri nya ang kabuuan ng mukha nito.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon