Chapter 7: Jealousy

1.9K 102 1
                                    


'Chris....'

'Chris....'

'S-sino ka?' inikot ni Chris ang paningin nya sa paligid ngunit wala syang makita sa kapal ng usok.

'Hehehehe...'

'S-sino ka magpakita ka?!' sigaw niya.

'C-Chris....t-tulungan mo kami'

'Malapit na tayong mag sasama sama Chris....hehehe!'

'T-tama na!! Tigilan nyo na ako!!" sigaw na Chris na tinakpan ang dalawang tenga. Nanginginig ang kanyang katawan at hindi sya makahinga ng maayos. Tumakbo sya ng mabilis. Isa lang ang laman ng isip nya ito ay ang makalayo.

'M-maawa ka Chris... t-tulong'

'Chris!'

'Hehehe...hihintayin ka namin Chris'

'Chris...'

'Lubayan nyo na ako!!!' napaupo si Chris at nakatakip parin ang mga tenga. Ayaw nya itong marinig, at ni ayaw nya ding pakingan; tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

'Chris...sumama ka na samin'

'Hehehe... Chris..'

'Tumahimik kayo!!!! Aaah!! Tama na!! Tahimik!!' halos mabaliw na sya sa kakasigaw.

Maya't maya pa ay biglang nagsilabasan ang daan-daang butong kamay sa kinauupuan nya. Nababalot ang mga ito sa makapal na dugo at putik, tila mga gutom na pilit inaabot sya at hinihila pailalim sa lupa.

'Aaaahhhhhh!!!!!'

****

"Haaaahhhhh!!! Haaahh!!! Haaahh!!"

Habol hiningang napabalikwas ng bangon si Chris sa kinahihigaan nya. Balot na balot ng pawis ang kanyang katawan at kita ang matinding panginginig nito. Ramdam nya ang pumumuo ng luha sa kanyang mata at di naglaon ay tumulo ang mga ito. Napahawak sya sa dibdib at kinuyom ito.

Ilang sandali pa ay inabot nya ang cellphone at napatingin sa orasan.

3:00

Ito na ang ika anim na beses na binangungot sya. Hindi nya maiwasang maghinagpis. Habang tumatagal ay palala ng palala ang nilalaman ng kanyang mga panaginip. Tila hinahabol sya ni kamatayan at anumang oras ay maaaring di na sya magising.

Ibabalik nya na sana ang kanyang cellphone ng bigla syang makarinig ng kaluskos mula sa pasilyo ng infirmary. Napalunok sya at nanginginig na bumaba sa kanyang kama. Binuksan nya ang ilaw ng kanyang cellphone at dahan dahang lumabas.

Di pa nya naisasara ang pinto ng bigla syang makarinig ng hikbi ng isang babae. Napatigil sya at inikot ang paningin sa paligid. Di nagtagal ay naaninag nya ang isang babaeng nakaupo sa gilid ng hagdan na tila umiiyak. Nakatalikod ito sakanya at nakayuko. Nanginginig itong nakayakap sa mga tuhod.

Tanging ang bilog na buwan lamang ang nagbibigay ng liwanag sa pasilyo dahilan para makita nya ito. Kahit nag aalangan ay dahan dahan syang lumapit sa kinaroroonan nito. Humihikbi parin ito at tila di napansin ang presensya nya.

"Ah... um... M-miss, ok ka lang ba?" tanong nya na inabot ang balikat nito.

Napatigil ito at iniangat ang ulo. Maya't maya pa ay humagikhik ito dahilan para magulat sya at alisin ang kamay sa balikat ng babae. Lumingon ito at ngumiti sakanya. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nasilayan nya at nanginginig na napaatras. Nakangiti itong duguan ang mukha at merong pulang marka na nakapaligid sa leeg nito.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon