Chapter 18: Black Fur (Part 1)

1.4K 89 1
                                    

Ilang araw na ang lumipas na hindi nagpapakita kay Chris si Apollyon. Hindi na rin sya nakakaramdam ng kung anumang nilalang na sinasabi nito. Napabuntong hininga sya at nahiga sa kama.

Hinubad nya ang kwentas at tinitigan ito. Napangiti sya at taimtim na nagpasalamat.

'Kung nasan ka man Apollyon, maraming salamat dito. Unti unti ng nagiging payapa ang isip at buhay ko.'

Natigil ang pagmumuni muni nya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Inabot nya ito at sinagot ang tawag.

"Austin? Ba't napatawag ka?'

["P-pre may pabor sana ako sayo. P-pwede bang puntahan mo ako dito sa kabila?"] hirap itong magsalita.

"Huh? May problema ba?" tanong nya na bumangon sa kama at tumayo.

["A-Ano kasi, h-hindi maganda ang pakiramdam ko"]

"Eh? Sige hintayin mo ako dyan."

Dali daling binuksan ni Chris ang pinto at kumatok sa kapitbahay. Binuksan ito ni Austin na nakahawak sa tyan at namamaluktot.

"Ayos ka lang pre? Bakit ang putla mo? Ano bang nangyare sayo?" tanong nya na pumasok sa kwarto nito.

Naupo sa kama si Austin na namimilipit pa rin.

"E-Ewan ko ba. May nakain ata akong hindi maganda. Bigla nalang sumakit ang tyan ko."

"Huh? Ano ba kasing pinag kakakain mo at nagka ganyan ka?" tanong ni Chris na tila naaasar.

"Y-yung nasa kabinet na nakalagay sa lata."

Tumayo si Chris at binuksan ang maliit na kabinet. Tumambad sa harap nya ang mga supot at lata ng iba't ibang klaseng titserya, at pagkain.

Inabot nya ang naka latang sinasabi ng kanyang kaibigan. Namilog ang kanyang mga mata na hinarap ang kaibigan.

"Gago ka pre!! Tingnan mo!! Lumampas na sa expiration date ang mga kinakain mo!! Di na ako magtataka kung bakit sumakit yang tyan mo! Masyado ka kasing matakaw, yan tuloy... what the heck! Ano bang pumapasok sa isipan mo para mag ipon ng ganito karaming pagkain kung masisira lang din."

"Ah, pasensya na. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko." sagot ni Austin na dumapa at isinubsob ang mukha sa unan.

"Haist! Kahit kailan di ka na nagbago.... dito ka lang at ikukuha kita ng gamot sa infirmary."

"T-teka lang... p-pwede mo bang idaan yung folder na nasa ibabaw ng drawer sa student council?" hirap na iniangat nito ang mukha sakanya.

"Huh?"

"I-iniutos kasi yan sakin ni Professor Ruiz kahapon. N-nakalimutan kong idaan." sagot nito.

Dinampot ito ni Chris at humakbang papuntang pintuan.

"S-sandali lang."

Lumingon si Chris dito at iritableng kumunot ang noo.

"Ano na naman ba?"

"Y-yung request form s-sa drawer p-pabigay na rin." sagot nito.

Nagtataka syang napatingin dito at binuksan ang drawer.

"Leave form? Saan ka pupunta?"

"D-diba nangako ako na p-papasyal tayo bukas. K-kaya kailangan nating m-magbigay ng leave form." sabi nito na tinitigan sya.

Napatigil si Chris na tiningnan ang binata.

"Pero sa sitwasyon mong yan, sa tingin mo makakaalis ka pa kaya. Isa pa marami pa namang ibang pagkakataon." tugon nya dito.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon