Chapter 13: Body Vessel (Part 2)

1.5K 90 1
                                    

Naupo sila ni Cresil katabi ang ilang estudyanteng di niya kilala. Katulad nya ay nakatakip din ang mga mata nito at bibig lang ang kita sa maskara. Ngumiti ang mga ito at binati sya.

Lumapit sakanila ang serbidor ng alak at naglatag ng tatlong bote ng champagne sa mesa. Nag aalangang syang tumingin dito at nagtanong.

"P-pwede bang makahingi ng iced tea?" tanong nya sa lalaki.

Tumango lang ito sakanya at inilagay ang isang baso ng iced tea sa mesa. Napatingin kay Chris si Cresil na tila may gustong sabihin. Umalis na ang serbidor para maghatid ng ilang inumin sa iba pang mga estudyante.

"Chris, ayaw mo ba talaga uminom? I mean, nasa edad ka na naman tsaka party to para satin kaya ok lang naman na mag enjoy tayo right?" sabi ni Cresil na ngumiti sakanya.

"Mahina kasi ako sa alcohol, masyado kasing matapang ang alak." sagot ni Chris na uminom ng iced tea.

"Pero...ok lang naman siguro na tumikim ka kahit konti diba. Hindi ka naman siguro malalasing sa 1 glass of wine. Mas masaya kasi pag may kasabay kang uminom."

Napahinto si Chris at nag isip. Tiningnan nya ang dalagang may malungkot na expression. Nilingon nya ang bote ng chamapagne at napalunok.

'O-ok lang ba na uminom ako. Mabilis akong malasing pero, nakakahiya naman kay Goddess kung di ko sya sasabayan....tama...ngayun lang to Chris! Sa ngalan ng pag-ibig!'

Napatingin sya kay Cresil at ngumiti.

"S-sige, pero konti lang."

Tuwang tuwa na nilagyan sya nito ng wine sa baso. Halos nangalahati ito dahilan para mamilog ang mata nya. Ipinagsa walang bahala nya na lang ito at dahan dahang inilapit sa bibig nya.

"Yoww!!"

Nagulat si Chris sa narinig na boses, muntik nya ng mabitawan ang basong hawak nya. Napalingon sya at nakita ang lalaking nakasuot ng kulay maroon na suit at katerno ang pang ibaba nito. Nakakatakot din ang suot nitong maskara na natatakpan ang buong mukha.

Meron itong maliit na sungay sa gilid na tila mukha ng isang "demonyo". Lumapit ito sakanya at tinapik sya sa balikat.

"How's the party? Did you enjoy it?" sabi nito sakanya.

Kumunot ang noo nya at ilang segundo pa ay nakilala nya ang boses nito.

"As—..."

"Ssshhh!" sagot nito na tinakpan ang bibig nya.

"Eh?" nagtataka nyang tanong. Tumingin ito sa paligid at mahinang bumulong kay Chris.

"Bawal ako dito sa ground floor kaya tumakas lang ako para hanapin ka."

"Bakit?" tanong nya ulit dito.

"Before 12... go back to your dorm. Isama mo na rin kaibigan mo." mahinang sagot nito.

"P-pero bakit? Kakarating lang namin at 11 pm na.. Diba hanggang 3 am ang party?"

"Aiya! Masyado kang maraming tanong... hmm.. let's say... bawal magpuyat ang mga batang katulad mo." sabi nito na tumawa.

"Huh? Ano namang kalokohan yan.. Di na ako bata at isa pa may kasa—- Huh? Nasan na si Cresil?" nawala si Cresil sa kinauupuan nya kaya nagtataka syang inikot ang mata sa paligid ngunit di nya ito matagpuan.

"Hmm?? Sinong hinahanap mo?" tanong ni Asmo na sinundan ang paningin nya.

Tumunog ang cellphone ni Chris at binuksan ito. Nagtext sakanya ang dalaga na pumunta lang ito sa ladies room para mag cr. Nakahinga ng maluwag si Chris at tumingin kay Asmo.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon