Lyon: Side Story 1

1.3K 75 5
                                    

Lyon's POV

I'm Apollyon, a heartless and cold Demon King. Kilala sa pangalang Lyon na isang estudyante dito sa mundo ng mga mortal. Ilang libong taon na akong namumuhay dito sa ibabaw gamit ang iba't-ibang pangalan at katauhan: Gen. Leo as a General Official of Army, Dr. Leonard as a General Surgeon, Prof. Leonel as a Professor of private University, Mr. Leighton as a Prime Minister at kung anu-ano pa.

Halos magsawa na ako sa uri ng pamumuhay na meron ako. Pero ano pa nga bang magagawa ko, isa akong immortal na may layunin mapailalim man o ibabaw. Isang panginoon sa ilalim at isang mamamayan naman sa ibabaw.

Pero di ako nag-iisa, kasama ko palagi ang dalawa sa mga pinagkakatiwalaan kong tauhan: una ay si Asmodeus Amduscius - isang prinsipe at Duke, kilala bilang isa sa "seven deadly sins" which is "Lust", namamahala sa 29 iba't ibang hukbo; may anyong mala "unicorn" at ang gamit na sandata ay isang nag-aapoy na pana na kayang maglabas ng 10 o higit pang arrows. Kilala sa pangalang "Asmo" sa mundo ng mga mortal.

Pangalawa naman ay si Bifron Mullins - isang tenyente, embahador, at taga-hatol. Bihasa sa larangan ng siyensya, mapa geometry, astrology at kung anu-ano pa man. Ang gamit na sandata ay "death scythe". Kilala sa pangalang "Bifron" na hango pa rin sa totoo nyang pangalan.

Ano nga ba ang dahilan para piliin naming maging estudyante ngayun? Isa lang ang sagot dyan, ang Gehenna University ay isa sa portal na labasan sa underworld.

Ilang araw na ng makatakas ang mga bilanggo dahil sa kapabayaan ng ilang opisyal kaya narito kami ngayun para ibalik sila sa ilalim. Masyadong matatalino at malalakas ang mga takas na kayang mag-anyong tao at itago ang kanilang amoy dahilan para lumapit sila saakin at magdamag na lumuhod upang magmakaawang tulungan sila.

Kahit tinatamad ako ay wala akong nagawa kundi pagbigyan ang mga walang kwenta at mabababang uri na nasa mataas na konseho.

(End of Lyon's POV)

*****

Ngayun ang unang araw ng pasukan at pangalawang taon nina Lyon dito sa Gehenna University.

Nasa may kakahuyan sya at nakapikit ang mga mata habang nakaupo sa sanga ng mataas na punong kahoy. Ito ang lugar na madalas nyang puntahan dahil bukod sa napakatahimik ay nagagawa nya ring magpahinga ng walang umiistorbo sakanya.

Maayos na sana at tahimik ang lahat ng bigla nyang marinig ang napakalakas na sigaw na ikinagulat nya. Agad nyang idinilat ang kanyang mga mata sabay napatingin sa ibaba.

'Sinong mapangahas na nilalang ang may lakas ng loob na istorbohin ang oras ng aking pamamahinga? Ang lakas ng loob nya upang hangarin ang maagang kaparusahan mula sakin.'

Napatayo sya sa kanyang kinauupuan sabay talon papunta sa ibang sanga palapit sa pinanggalingan ng malakas na sigaw.

Napatigil sya sa taas ng puno na kalapit ng mataas na tarangkahan. Ibinaba nya ang paningin sa dalawang nilalang na pumasok.

'Asmo?'

Wala pang ilang segundo ay napako ang atensyon nya sa binatang kausap nito. Kumunot ang noo nya ng maamoy ang napakatamis na esensya mula rito.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon