Chapter 25: Blood Link (Part 1)

1.3K 80 0
                                    

5:00 pm

Nanghihintay pa rin si Chris sa kanyang kaibigan na nagpaalam na ibabalik ang libro sa library. Nasa labas na sya ng gusali at nakaupo sa bench katabi ng isang malaking puno. Napabuntong hininga sya na inabot ang cellphone.

"Chris? What are you doing here?"

Nagulat si Chris at nilingon ang pinanggalingan ng boses.

"Z-Zel?"

Ngumiti sakanya ang binata at tumabi sa kinauupuan nya. Nagtataka naman syang tinitigan ito.

"Are you meeting someone?"

"Huh? Hindi.. hinihintay ko lang si Austin, pumunta sya sa library." paliwanag nya.

"Hmm, I see.. then let me accompany you while waiting for him." sabi nito sabay ngiti.

"Eh ikaw? Ba't nandito ka pa?"

"Oh, I'm just passing by, then I saw you sitting here alone."

"Ganun ba, wag kang mag-alala, pabalik na yun tsaka ok lang ako kaya pwede ka ng bumalik sa dorm mo." sagot nya sabay ngiti.

Unti-unting napawi ang mga ngiti sa labi ng binata. Seryoso itong tinitigan sya sa mga mata.

"Hey Chris... can I ask you something?"

"Hm? Sure, ano yun?"

"May magugustuhan ka na ba?"

"H-huh?" nagulat sya sa tanong nito.

"Sabi ni Austin wala ka ba daw girlfriend, so I'm a little curious if there's someone you like."

Napaawang ang bibig nya at napakurap.

'G-gusto ko?... tama... simula ng nangyare ang insidente tungkol kay Cresil, wala na akong ibang natitipuhan..'

Dahan-dahang ibinaba nya ang paningin. Sumilay ang kalungkutan sa kanyang mukha. Ilang sandali pa ay biglang pumasok sa isipan nya ang isang imahe ng isang lalaki. Ang mga ngiti, pang-aasar at pag-aalaga nito sakanya.

"H-huh? B-bakit bigla ko syang naalala'

Biglang namula ang kanyang mga pisngi ng di nya namamalayan. Namimilog ang mga mata nyang napatakip sa bibig gamit ang palad.

Nagtataka namang napatingin sakanya si Zel.

"Chris? Are you ok?"

Inilapit nito ang mukha sakanya at hinawakan ang namumula nyang pisngi.

"Namumula ka, masama ba pakiramdam mo?" tanong ulit nito.

Hindi napansin ni Chris ang mga galaw nito sakanya. Laman pa rin ng kanyang isipan ang imahe ng isang binata.

Maya't maya pa ay biglang ngumisi sakanya si Zel. Mas lalong inilapit nito ang mukha at pinag-igihan ang pag-himas sakanyang mga pisngi. Tila hindi pa rin ito ramdam ni Chris na malayo pa rin ang iniisip. Ilang sentemetro nalang ang agwat ng kanilang mga mukha bago dumampi ang labi nito sakanyang pisngi.

"What the he'll do you think you're doing?!

Maawtoridad ang boses nito dahilan para matigilan si Zel at lingunin ang binatang nasa harapan nila. Tila nagising naman sa mahimbing na pagkakatulog si Chris na walang ideya sa mga nangyayare. Nanlaki ang mga mata nya ng matanto kung sino ang binatang yun.

"L-Lyon?"

Nanlilisik ang mga mata ni Lyon na tinitigan ang dalawa. Kakaiba ang ekspresyon nito na tila ba nahuli ang ka relasyon nitong may kinakatagpong iba at pinagtataksilan sya.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon