Simula
Studying in University of Santo Tomas is a like dream come true for me. Hindi lang kasi pag-aaral habol ko sa UST pagiging photographer din. Luckily I have a bestfriend named Paul Lazaro a captain in men's basketball team of UST.
"Ngayon ang unang game ng UST diba? Sa basketball ka naka duty?" Tanong ni Lola nung nakita akong maliligo na. Tumango lang ako sakanya.
"Kaya pinagluto kita ng paborito mong pagkain!" Dagdag niya.
Namangha naman ako at excited naman kumain kaya binilisan ko maligo. Hindi muna ako nag ayos.
Mas pipiliin ko munang kumain. Agad agad kong tiningnan kung ano sa paborito kong pagkain. Hmm champorado pala.
Tiningnan ako ni Lola sabay sabi "Syempre yung pang almusal. Hinanda ko narin yung pang lunch mo. Tapsilog" Ngumisi ako sakanya.
"Salamat, La!"
Pag tapos ko kumain inayos ko yung gamit ko. Nakahanda naman na kagabi kaya di narin ako nahirapan. 7:00am calltime sa UST syempre sasabay ako sa bus. 6:10am na kaya lumabas na ko sa bahay dahil di naman ako hihintayin ng bus kaya nag mamadali na ko. Bigla naman lumabas si Lola.
"Jasmine ID mo!" Sigaw niya.
"Lola sa susunod wag kang sisigaw ah! Pero La, salamat!" Sabay yakap ko sa kanya.
May sakit kasi si Lola kaya ayaw ko siyang sumisigaw.
Mabilis ang biyahe papuntang MOA. Maaga kami kasi first game ang UST. Wala masyadong tao.
'Di ko alam bat di nila masyadong na appreciate women's basketball team. Ang gagaling kaya nila. Makakalaban nga namin defending champion na sobrang dominant.
Dumiretso ako sa lugar nasa tingin ko na may magandang angulo.
Sinimulan ko na ang pagkukuha ng litrato. Masyado ako maraming kinuha na litrato para maraming choices tsaka na appreciate ko talaga yung mga basketball player na babae.
Ang hirap kayang tumakbo ng ilang beses at buong court pa. Pero syempre nag train sila kaya siguro kaya nila. Minsan gusto 'ko mag try ng sports pero hindi talaga para sakin yun siguro para lang kay Paul 'yun.
Natapos ang game na nanalo ang NU. Atleast lumaban UST! Babawi kami sa men's.
Nag break muna kami ni Aya yung kasama 'ko rito, para hindi hindi kami magutom pag nag start na yung game ng men's basketball.
Napagdesisyonan namin na kumain sa Bonchon gusto ko rin kasi ng Bingsu.
"Galing ng NU 'no?" Sabi ni Aya.
"Hmm dominant naman na talaga sila! Babawiin yan ng men's mamaya!" Sagot ko sakanya.
"Basta ako may NU heart talaga ako! Galing kaya nung kapitan ng NU!" Sabi niya habang kumakain na kami ng Bingsu. " Wala yan sa kapitan ng UST!"
Pagtapos namin kumain ni Aya, sinabi 'ko sakanya na didiretso ako sa dugout para mag good luck sa players and mag take ng pictures dun.
Habang naglalakad papuntang dugout nakita ko agad sila Vito at Hans na nakatingin sa direction ko. Ngumiti naman ako sakanila. Close ko narin naman sila kasi kaibigan sila ni Lazaro.
"Jasmine picture naman!" Sabi ni Vito. Kinuhaan ko naman siya agad.
"Send ko na lang kay Lazaro para may pang icon ka." Sabay ngisi ko sakanya. "Nasan pala si Lazaro?" Dagdag ko.
"Hmm, nandoon sa loob."Sabi ni Hans.
"Thanks! Goodluck pala!"
Pagpasok ko ng dugout kumuha muna ako stolen picture nila. Nilapitan ko si Lazaro.
"Good luck sa first game Capt!" Masayang sabi ko sakanya! "Wag kang kabahan ah! Nandito na ko oh!" Biro ko sakanya. Ito kasi pangarap niya simula pa dati.
"Sobrang proud ako sayo!" Sabay yakap ko sakanya.
"Ang sweet naman tila di mag bestfriend" Narinig kong sabi ni Vito.
Inalis ko yung yakap ko kay Paul nakatingin na pala silang lahat samin.
"Mag best friend lang kami no! Bahala kayo wala kayong maayos na kuha mamaya!" Biro ko sakanila. Tumawa naman silang lahat at pagtapos nun nag pray na sila.
Lumabas na 'ko sa dugout naglakad ako papunta sa pwesto ko. Medyo dumami na ang tao kasi rivalry yung sunod. Biglang umingay ang mga tao at nakatingin sila sa pupuntahan kong pwesto.
Nakatingin silang lahat sa babaeng nakasuot ng denim skirt, naka crop top tapos naka green na jacket.
Sa lahat ng makakasalubong siya pa talaga. Huminto siya saglit sabay ngiti sakin. Sabagay mabait naman talaga siya attitude nga lang sa loob ng court.
Si Belle, siya ata ang Captain ng Lady Spiker ngayong season. Ang aga niya para sa next game. Issue na naman yan kasi ex siya ni Lazaro.
Dumiretso na ko sa lugar kanina nandoon narin si Aya sa place na gusto niya ang angulo.
Nag simula naman yung game. Nag papaulan ng tres si Vito sa unang quarter pero sumagot din ang NU.
Natapos ang 1st half ng game na sobrang dikit ng laban 43-42 nakashoot kasi si Lazaro ng tres kaya lumamang kami ng isa.
Habang break ay tiningnan ko ang mga kuha kong litrato. Maayos naman sila. Nakuhanan naman ang mga pinaghirapan ng mga players pati reaction nila.
Pag tapos ng break kinuhanan ko pa ng magagandang litrato ang Team at ang iba't ibang players ng UST.
Hindi ko napansin na sobrang dikit parin pala ng laban na sa last two minutes ang score ay 81-83. Lamang ang NU pero sumagot naman agad si Hans kaya nag tie. Nakuhanan ko naman ang shoot niyang yun pati narin ang reaction niya.
Walang sagot ang NU kaya nakashoot naman si Lazaro kaya lumamang ng dalawa.
Yung crowd sobrang ingay yung mga nanood para sa rivalry may kanya kanyang bet din sila.
Kinuhanan ko ang crowd pero kinuhanan ko muna si Lazaro kasi sobrang angas niyang tingnan nung nakashoot siya.
Sa natitirang ilang segundo hawak nung Mercado yung bola. Sumigaw naman bigla ng malakas yung katabi ko. "Go kapitan!" Sinamaan ko agad ng tingin si Aya.
We lost with a point. Sobrang sakit pala na matalo ng isang puntos lang lamang ng kalaban.
"Ikaw Aya! UST shirt pa naman suot mo! Daig mo pa ko tapos kung makasigaw ka sa NU wagas!" Sunod sunod na sabi ko kay Aya.
"Hayaan mo na, babawiin naman iyan ng bff mo." Sabay ngisi niya sakin.
Talagang babawiin ito ni Lazaro dahil di ako masaya sa pagkatalo nila!
Kaya pagtapos nun pumunta ako sa dugout at niyakap ko si Lazaro. "Okay lang yan! Bawi? Next game!" Ngumiti ako sakanya.

BINABASA MO ANG
Strains of the Soul
Teen FictionThe captain of National University Alejandro A. Mercado always has an eye to the best friend of UST Growling tigers team captain. He didn't dare to introduce himself until that girl become the UST Growling tigers basketball team photographer. Start:...