Kabanata 45

778 20 0
                                        


Maraming salamat sa pag babasa ng istorya na 'to. Ito na ang huling kabanata ng kwento na 'to. Sinulat ko 'to kasi wala akong magawa ngayong quarantine, nawa'y nag enjoy naman kayo basahin. Muli, maraming salamat sa pag babasa ng unang istorya na nasulat ko. Hindi perpekto pero heto ka umabot hanggang dulo.

Kabanata 45

Kinabukasan maaga ako nagising. Kahit nakadantay ang paa ni Bella sa akin ay magaan at maayos ang pag gising ko. Tila ba wala na 'yung bigat na meron sa puso ko.

May sumilay na ngiti sa labi ko. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ko ngayon pero alam ko masaya ako. Ngayon ko na lang naramdaman 'to.

Napaisip ako sa mga nag daan araw. Masyadong maraming nangayare hindi ko akalain na aabot ako hanggang ngayon na wala masyadong iniisip.

"Ginagawa mo?"

Napatingin ako sa kanya na takang taka sa mga ngiti ko. Tinaas ko ang paa ko para matanggal ang paa niya na nakadantay sa akin.

"Ang bigat bigat mo!"

Imbis na alisin niya ay inayakap niya pa ako. Nilagay niya ang binti niya sa mga binti ko.

"Akalain mo 'yon? Sa ating dalawa ikaw pa mag kakajowa na basketball player... Tanggap ko pa kung si Paul naging jowa mo e! Pero hindi!"

"Masyado ka kasing ready mag boyfriend kaya hindi nabibigay sayo..."

Inalis ko ang pagkakayakap niya para makatayo ako. Hindi niya ako pinansin. Nanatili lang siyang nakahiga sa kama ko. Samantalang ako ay bumaba na para mag almusal.

"Sabay na kayo ni Bella. Gisingin mo muna." Bungad ni Mama.

Balak ko sana na tahimik kumain kaso wala akong nagawa kung hindi piliting bumangon si Bella.

Nasabi sa amin ni Mama na bukas na kami dadalaw. Napaisip naman ako na kung dumaan muna kaya ako mamaya sa cementeryo bago ako makipag kita kay Alejandro. Maaga pa naman e.

Nasa lamesa na kaming dalawa ni Bella. Nakakain na sila Mama. Paalis sila ni Papa. May pupuntahan ata.

"Saan lakad?" Si Bella.

Hindi pa ako nag papaalam kay Mama tungkol sa date namin ni Alejandro. Hindi naman siya mahigpit sa akin. Matanda na ako.

"Mas mausisa ka pa kay Mama. Alam mo 'yon?"

Sumimangot naman si Bella. "Gano'n kita ka-love." Sagot niya.

Hindi ako kumibo. Kumain na lang ako.

"Saan nga?"

Tila hindi siya titigil hanggang hindi siya nakakakuha ng sagot mula sa akin.

"Hindi ko pa alam. Baka pumunta muna ako kay Lola mamaya."

Tumango tango naman siya. Akala ko ay sasama siya. Ang sabi niya kaya hindi siya sasama sa akin kasi walang bantay sa bahay. Hindi ko na pinilit sumama kahit hindi naman aalis ang bahay para bantayan niya.

Mabilis akong naligo. Hindi pa nag sasabi si Alejandro kung saan kami mamaya. Ang balak ko ay mag pasundo na lang sa kanya pag tapos ko sa cementeryo.

"Hindi mo alam kung anong meron ngayon?" Ani ni Bella.

Napaisip naman ako. Wala namang kakaiba sa araw na 'to bukod sa bukas na ang undas.

"Sigurado ka?"

"Ano bang meron?"

Umiling iling si Bella. Tingnan mo 'to. Kung ano ano sasabihin para mapa-isip ka pero hindi naman nililinaw kung anong meron. Hindi ko na inisip ang gustong iparating ni Bella. Kung ano mang meron ngayon araw, sorry nakalimutan ko.

Strains of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon