Kabanata 34

521 7 0
                                        

Kabanata 34

"Hey!" Napalingon ako sa kakarating lang na si Aya.

Ngumiti siya sa akin at sa lahat ng taong nasa bus. Nung na tapos siya tumabi na siya sa akin gaya nang naka sanayan.

"Mukhang in love ka ah?" Sabi ko na napalingon siya.

"Ikaw lang 'yon. Damay mo pa ako."

Hindi na nasundan ang pag uusap namin kaya binuksan ko na lang ang phone ko para makinig ng mga kantang sinend sa akin ni Alejandro.

Hinilig ko ang ulo ko sa salamin. Tahimik na akong nakinig.

"Pakinig naman." Si Aya.

Napalingon ako sa kanya na nakatingin sa phone ko na umilaw pala. Kinuha ko na lang ang earphone na nasa kaliwa kong tainga. Inabot ko sa kanya at kinuha niya naman agad.

"Galing talaga niya kumanta." Bulong niya pa.

Napa ngiti na lang ako sa kanya. Hinilig ko na lang ulit ang ulo ko at pumikit.

"Sobrang galing kaya sorry kung na in love ako." Wala sa sariling sabi ko.

Tinakpan ko ang bibig ko. Hindi ko dapat 'yon sasabihin. Dapat sa utak lang 'yung mga ganoong bagay.

Natawa naman si Aya sa reaksyon ko.

"Alam mo na ngayon." Natatawang sabi pa ni Aya.

Pagod kong pinikit ang mga mata ko. Mukhang aasarin ako hanggang mamaya ni Aya e.

Nakarating na kami sa MOA binaba kami sa gilid kung saan ang papasukan namin.

Kinuha ni Aya ang kamay ko para sabay kaming mag lakad. Hindi naman na ako nag protesta at sumama na ako.

Mag sisimula na ang game ng basketball girls kaya nag basta na kami ni Aya. Mabilis ang pag dagsa ng tao.

Dahil siguro may laro ang Ateneo ngayon kalaban nila National University.

Binaba ko muna ang camera para kunin ang phone ko sa bulsa. Nakalimutan kong mag text kay Alejandro ng goodluck. Gusto ko sana personal pero para sigurado mag text na lang din ako.

Me:
Good luck sa game!!!! Cheering for you!

Kinuha ko na ulit ang camera para mag picture na ulit.

"Yan ba 'yung bff ni Paul?" Bulong ng taong nasa likod ko.

"Nililigawan ni Alejandro?" Dagdag pa niya.

"Ang sabi ni Alexa kunware lang mabait yan." Rinig kong sagot ng kausap niya.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag lingon ni Aya sa nag uusap.

Hindi ko alam kung anong ginawa ni Aya pero nanahimik naman na ang mga babae sa likod ko.

Nag patuloy na lang ako sa ginagawa hanggang matapos yung game against La Salle.

Nanalo naman ang basketball girls.

Tiningnan ko si Aya na busy pa sa inuupuan niya. Kaya tumayo na ako sa inuupuan ko. Napansin ko ang tingin sa akin ng mga babae sa gilid ko. Sila siguro 'yung nag uusap kanina tungkol sa akin.

Hindi ko na lang sila pinansin. Nag patuloy na lang ako sa pag lalakad.

"Yan ba 'yung Jasmine?" Narinig kong maarteng sabi ng isang babae na nadaanan ko.

Diretso lang ang tingin ko sa daan hindi ko na nililingon ang mga tao sa gilid.

"Akala maganda. Mang gagamit lang naman."

Strains of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon