Kabanata 33
Nag simula na kaming mag luto ni Bella ng pancakes kasi ayun lang ang meron kami sa kusina. Mukhang kaylangan na namin mag grocery.
"Text mo si Alejandro." Si Bella.
"Why?" I asked her.
Kinuha ko ang itlog na pinapakuha niya. Pagbalik ko ay nakahanda na ang lahat ng gagamitin niya sa pagluluto.
"Bumili kamo siya ng ice cream."
"Okay?"
Nag lakad ako papuntang sala para kunin ang phone ko. Nakahiga si Paul sa sofa nasa paanan niya naman ang phone ko.
Pinagmasdan ko si Paul na mahimbing ang tulog sa sofa. Kakatapos lang ng practice nila, katulad ni Alejandro. I'm sure pagod din 'yon pag dating dito.
Nag tipa naman ako para mag text kay Alejandro.
Me:
Bili ka ice cream! Vanilla and cookies and cream!! Ingat, love!Dinala ko na ang phone ko sa kusina para makita kung nag reply ba si Alejandro. Binaba ko na lang sa lamesa para malapit kunin at maririnig ko agad kapag nag ring.
Dumiretso na ako sa lokasyon ni Bella. Utusan niya lang naman ako rito. Iyon lang papel ko sa pagluluto. Kaya nga nung nag luto ako nung nakaraan achievement na 'yon. Egg lang naman kinakain ko kapag ako lang mag isa sa bahay. Hindi ako diet pero 'yon lang madaling lutuin.
"Wala na ba talagang ibang maluluto?" Si Bella.
Yumuko ako para tingnan ang cabinet na nasa ilalim kung saan nakalagay ang mga grocery namin. Nag halungkat ako pero puro mga can goods lang at iba't ibang mga noodles ang naroon.
Inangat ko ang tingin kay Bella na nag hihintay ng sagot ko. Umiling ako sa kanya bilang sagot sa katanungan niya.
Tumunog naman ang phone ko kaya lumapit ako sa lamesa para kunin ito.
''Alejandro is calling'
I gently swipe my phone to answer the call.
"What did you say?" Bungad niya.
"Huh?"
Napatingin naman si Bella sa akin pero binawi niya rin agad ang tingin niya dahil sa niluluto niya.
"Sa text? I need to hear it."
"What?"
"Ingat.."
Nag init naman ang pisngi ko kaya lumabas ako ng kusina para hindi na ako makita ni Bella.
"Sus! Tila ayun lang!"
Hindi siya kumibo. Hinihintay niya akong sabihin 'yung sinabi ko sa text. Hindi naman big deal pero siguro para sa kanya big deal.
"Gusto ko ng donut." Malakas na sabi ni Bella. Alam ko na narinig 'yon ni Alejandro.
Hinarap ko ang phone sa mukha ko. Tinapat ko ang bibig ko sa speaker ng phone ko. Kaliwang kamay ko lang ang may hawak ng phone.
"Hmm take care, love!" Pinindot ko agad ang end call gamit ang kanang kamay ko. Ayoko na kasing marinig kung anong reaskyon niya.
"Love pala ah!" Bulong ni Paul.
Napatingin tuloy ako sa kanya na nasa likod ko pala.
Tsismosa parang si Vito.
Natigilan ako saglit sa kanya. Nilagpasan niya ako at dumiretso siya sa kusina.
Nagbutonghininga na lang ako. Sumunod naman ako sa kanya. Nakita kong umupo lang siya sa upuan na mayroon ang lamesa namin.

BINABASA MO ANG
Strains of the Soul
JugendliteraturThe captain of National University Alejandro A. Mercado always has an eye to the best friend of UST Growling tigers team captain. He didn't dare to introduce himself until that girl become the UST Growling tigers basketball team photographer. Start:...