Kabanata 3
Lumipas ang mga araw. Ngayon ay panibagong laro ng UST, katulad ng nabanggit ni Bella ang kalaban ay ang UP.
Kaya napag isipan ko na mag text kay Bella bilang paalala na wag na siyang bumili ng ticket dahil meron pa kong isang extra.
Me:
Baka bumili ka pa ng ticket huh? Libre ko na at mukhang di ka kayang ilibre ni Paul.Sa gc naming tatlo ko yun sinend. Para naman mabasa rin ni Paul. Nakita ko naman na nabasa agad ni Bella at Paul yung chat ko.
Bella:
Wow! Yabang naman agad ni Paul! Hahaha Goodluck pala.Mukhang hindi naman mag reply si Paul kaya hindi ko na lang din pinansin si Bella. Text ko na lang siya mamaya pag nasa Araneta na siya.
Nag pasyahan ko na mag twitter muna saglit. Nakita ko na nag post si Paul ng "Game Day!" Umuulan naman ng reply sa tweet niya.
Ang dami niyang time ah!Pinatay ko na ang phone ko at nag bihis na. Second game ang schedule kaya dapat mag ayos na ko.
Sinuot ko ang bago kong bilhin damit pantaas na long sleeve crop top na kulay mustard. Dahil maliit ako hindi naman ganun ka crop top ang suot ko. Ang pangbaba ko naman ay pencil denim skirt na lagpas tuhod.
Kinuha ko na ang gamit ko at napagalam na kala Mama.
"Fighting!" Si Lola.
Natawa naman ako sa fighting naalala ko na UP kalaban UP Fight pa naman sila. Baka matalo kami ah.
"La, UP kalaban namin eh." Nagtaka naman si Lola sa sinabi ko. Niyakap ko nalang siya at umalis na ako. Baka iwan pa ko ng bus.
Pagpasok ko ay nakita ko agad si Aya. Ngumiti naman siya saakin.
"Takot na takot maiwan ng bus?" Biro ko sakanya.
"Ganda ata ng mood natin ah? Pero para sa tanong mo, may laro kaya NU!" Ang taas na naman ng emosyon niya kaya napailing na lang ako sakanya at umupo na sa tabi niya.
"Huy may seryoso akong tanong." Hinarap niya ako sakanya para matinginan niya ako ng maayos. "Oh?" Tipid na sagot ko.
"Anong nakain mo?" Natatawang sabi niya kahit pinipilit niyang mag seryoso.
Inirapan ko na lang siya.
"Joke lang." hinarap niya uli ako sakanya.
"Ano ba talaga gusto mo?" Masungit na sabi ko.
"Nakalimutan ko yung sasabihin ko. Hays ano ba yan!" Rinig na rinig ko ang pagiging dismayado ng boses niya.
"Ay ito na lang hmm kayo ba ni Paul?" Titig na titig siya sa mata ko tila ba ang mata ko ang sasagot sa tanong niya.
"Bakit mo naman natanong?" Inis na sabi ko.
"Wala lang! Feel ko lang may something kayo. Pero hindi ako sure. Parang kami ni Alejandro hindi pa sure." Tiningnan ko na lang siya.
"Hmm parehas nga sinabi mo. Parehas di totoo." Sabi ko na lang sakanya at nagpatugtog na lang ako ng kanta para hindi na siya mag salita pa.
Sa totoo lang wala naman talaga kami ni Paul.
Kung kaming tatlo siguro magkakasama nila Bella hindi kami pagkakamalan ni Paul.
Magkakilala na kami simula highschool, basketball player narin si Paul nun kaya ang mga tao kabila kabila ang issue.
Yung iba kinakaibigan kami ni Bella, yung iba naman may ayaw samin at wala kaming pake ni Bella sakanila.
Tumigil ang bus at bumaba na kami sa Araneta.

BINABASA MO ANG
Strains of the Soul
Novela JuvenilThe captain of National University Alejandro A. Mercado always has an eye to the best friend of UST Growling tigers team captain. He didn't dare to introduce himself until that girl become the UST Growling tigers basketball team photographer. Start:...