Kabanata 2

1.2K 18 1
                                        

Kabanata 2

Sa sumunod na araw tila gusto kong pumunta ng Mall. Binuksan ko ang cellphone ko at napag isipan na itext si Paul para yayain.

Me:
Lunch?

Nakasanayan naman namin kumain sa labas pag free kaming dalawa sobrang busy na tao niyan pero gumagawa parin siya minsan ng oras para makasama ako. Pero sobrang strange niya lately. Wala siya masyadong oras sa akin. Hindi pa naman niya last year, paano pa kaya diba?

Pero naiintindihan ko naman tsaka di naman niya ako girlfriend at bestfriend niya lang naman ako.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad kong binasa ang nakalagay.

Paul:
Can't go! Next time na lang.

Agad akong nag tipa ng sagot sa sinabi niya.

Me:
Training?

Hindi na siya nag reply. Baka nga training. Kaylangan nila bumawi kaya siguro paspasan.

Bumangon na ako sa kama para mag breakfast. Nakita ko naman si Mama at Papa sa baba na naghahanda na ng pagkain. Pinaalam ko sakanila na gusto ko mag Mall. Pinayagan naman nila ako.

Pagkatapos kumain ay naligo na ako. Gusto ko kasi mamili ng damit para naman may regalo ako sa sarili ko.

"Jas? Sama raw ang Lola mo sayo dahil magkikita sila ni Bella sa Mall." Si Mama.

Tiningnan ko naman si Lola na nakahanda narin pala para umalis.

"La? Tara na?" Nag aalinlangan kong sabi.

Tumango naman siya sa akin. Nag paalam na kami kay Mama. Sabi lang ni Mama ay bantayan ko si Lola.

Mabilis kasi siyang mapagod pag naglalakad at sobrang bagal niya rin mag lakad.

"San ba kayo magkikita ni Bella?" Tanong ko kay Lola.

Malapit na kasi kami. Balak ko na isama na lang sila sa pagbili ko ng damit para naman may tutulong sa akin.

"Sa Bookstore raw." Sagot niya. Si Lola kasi ang bumibili ng pangangailangan nila Bella.

Pumunta na kami sa bookstore, nakita ko naman agad sa gilid ang babaeng nakapants at maikli ang buhok at naka t-shirt na blue. Nakakasigurado akong si Bella yun. Kaya agad agad naman namin pinuntahan ang lugar kung nasan siya.

Niyakap naman kami agad ni Bella.

Sinamahan namin siya ni Lola mamili sa bookstore ng kaylangan niyang gamit. Pag tapos nun ay nag grocery kami. Sinabi ko rin sa kanila na mamimili akong damit.

Nakabili ako ng tatlong pantaas. Simple lang para pag nasa game ako presentable naman.

Nung natapos akong mamili napag pasiyahan namin kumain. Si Lola na ang pumila dahil may discount siya kasi senior citizen na siya. 

Naghanap kami ng upuan at nung makaupo kami biglang nag salita si Bella. "Napanood ko yung game nung NU vs UST. Sayang natalo sila Paul!"

Kaibigan rin ni Bella si Paul, parehas kasi age namin tatlo kaso pinili ni Bella mag aral sa UP. Fan siya nung Villanueva sa UP. Isa lang yun sa dahilan pero ang alam kong mas higit na dahilan kung bakit niya pinili UP ay dahil gusto niyang makatipid.

"Excited na ako first game ng UP!" Masayang sabi niya sa akin. "Nakita ko schedule. Magkalaban sila sa Wednesday ng UST!" Dagdag nasabi niya.

Tiningnan ko naman siya agad ng seryoso. "Oh? Sinong support mo?" Mapang asar na sabi ko sa kanya.

"Syempre si Lazaro! Sino pa ba? Si Villanueva na nga pinili ko sa school siya pa sa game?" Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Dahil diyan sa UST side ka uupo! Bigyang kitang ticket!" Masayang sabi ko sakanya.

Ang gulo niya dapat sa game niya pinipili si Villanueva pero sige masaya narin ako sinabi niya. Dati nagtampo pa ako sakanya kasi nakapasa naman siya sa UST pero pinili niya parin ang UP.

Sabagay maganda naman talaga sa UP. Nakakaproud siya kasi sa UP siya nag aral kaso kasi UST pinili ni Paul kaya akala ko mag UST din siya.

Dumating na si Lola at agad naman namin siyang tinulungan sa dala niya. Mabilis lang kaming kumain. Nag paalam si Lola na mag cr muna raw siya. Si Bella naman ay tumitingin sa phone niya. Uminom na lang ako ng ice tea dahil hindi pa ubos.

Bigla naman tinapat ni Bella ang cellphone sa akin. Bumungad sa akin ang pangalan ni Vito sa Instagram.

Nag post si Vito sa IG story niya kasama niya si Hans tapos may nakalagay na 'nasan kaya si kapitan?'

Nagtaka naman agad ako kasi akala ko nasa training siya. Sabagay hindi niya naman ako girlfriend para mag update siya sa'kin

"Nasan si Paul?" Wala sa sariling sabi ni Bella.

"Hindi ko alam. Akala ko nasa training siya." Sagot ko sakanya. Inirapan niya lang ako.

"Hindi pa ba kayo ni Paul?" Intriga niya sa akin.

Pati ba naman siya naniniwala sa mga tao sa paligid parang hindi kami mag kakasamang tatlo lumaki.

"Ang dami kong nakitang post. Ang daming twitter serye na ikaw ang kontrabida hmm meron din naman ikaw ang bida." Kwento niya sa'kin

"Alam mo Bella dapat alam mo na hindi namin papatusin ni Paul ang isa't isa." Paliwanag ko sakanya.

"Bakit naman hindi?" Biglang sabat ng tao sa likod ko. Si Lola pala.

"Kanina ka pa ba diyan La?" Tanong ko.

"Alam mo Jasmine kung kayo talaga ang pinili para sa isa't isa maraming pagsubok pero makakaya niyo. Maganda nga iyan at nag umpisa kayo sa kaibigan. Pero kung hindi naman siya para sayo baka siya ang maging dahilan para makilala mo ang para sayo." Gulat na gulat ako sa sinabi ni Lola.

Iba talaga word of wisdom ni Lola. Di mauubusan ng payo saamin simula bata palang kami ni Bella. Ang hindi ko makakalimutan na sinabi niya ay hindi lang sapat na gustuhin ang isang bagay para makuha dapat daw ay may lakas ka ng loob kunin ito.

Napapangiti ako pag naalala ko.

"Lagi ka talagang may baon La! Kaya miss nakita eh!" Sabi ni Bella sakanya.

"Umuwi karin kasi samin minsan." Sagot naman ni Lola sakanya.

"Hay naku La! Masyadong mahal niyan ang Universidad ng Pilipinas! Mahal na mahal si Villanueva!" Biro ko sa kanila.

"Hindi mo kasi siya sinamahan. Pinili mo rin naman si Paul! Asus!" Tiningnan ko naman si Bella na nagpipigil ng tawa dahil sa sinabi ni Lola.

Sinamaan ko na lang sila ng tingin, hindi ko narin talaga alam kung bakit puro Paul ang mga tao sa paligid ko. Hindi naman namin gusto ang isa't isa.

Strains of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon