Kabanata 44

580 10 0
                                    

Kabanata 44

Kasama kong naikot ikot sa buong resort si Alejandro habang hawak niya ang kanan kong kamay. Hindi ko naisip na mangyayare pa 'to ngayong araw. Akala ko kasi uuwi ako na hindi ko nakakausap si Alejandro. Handa naman talaga ako ibigay kung anong gusto niya kaso ang bilis niya mag isip e.

"Hmm... Uuwi na kami mamaya."

Hinigit niya ako para yakapin ng bahagya. "Sumabay ka na sa amin." Bulong niya.

Umiling naman ako. "Hindi puwede. Kasama ko sila Bella pumunta kaya kasama ko rin dapat sila umuwi."

Kahit anong pilit niya ay buo na ang desisyon ko. Ang paalam lang ni Bella ay hanggang ngayon kaya uuwi kami ngayon.

Hindi ko na malayan na nakarating kami sa kubo kung nasaan ang mga teammates niya. Bigla kong naalala ang suot ko nung nakita ko si Hannah na nakaupo katabi ni Miggy.

"Hahanapin ko lang sila Bella." Bulong ko kay Alejandro. Tila wala siyang narinig. Lalo niya pang hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko.

"Alejandro..."

Napansin ko ang titig ng mga teammates niya. Lalo na ang pag lipat nila ng tingin papunta kay Hannah. Maarte akong tiningnan ni Hannah na tila ba ginaya ko talaga siya.

Pilit kong tinatanggal ang kamay ko sa kamay ni Alejandro pero pilit niyang hinuhuli pabalik.

"Alejandro..."

Ngumisi siya sa akin. "Ipapakilala lang naman kita." Bulong niya.

Umiling iling ako habang nakangiti.

Ngayon ko lang napansin na nakalapit na pala ang ibang teammates niya sa amin.

"Finally nandito na si Miss Photographer!" Masayang bati nung moreno na hindi gaanong matangkad kumpara sa tangkad nung ibang player.

"Shh... Huwag kang maingay Kevin."

Napatingin naman ako sa kabilang gilid kung saan galing ang boses. Halata mo ang kaputian niya kasi siya na lang ang nakatopless bukod kay Alejandro na nasa tabi ko.

"Hi!" Lumapit na 'yung Kevin. Nilahad niya pa ang kamay niya sa akin. Pilit ko namang tinatanggal ang kamay ni Alejandro. Sinamaan ko na siya ng tingin pero tila ba wala siyang pake kahit hindi ko tanggapin ang kamay ni Kevin.

Tipid akong ngumiti kay Kevin. Nilahad ko na lang ang isa kong kamay. Ngumisi naman siya sabay palit ng kamay.

"Clingy naman, capt!" Singit nung lalaki sa likod ni Miggy.

Naramdaman ko ang malalim na hinihnga ni Alejandro sa tabi ko sabay tingin sa akin. "Jasmine, teammates ko." Simple niyang sabi. Hindi man lang niya pinakilala isa isa. Ako lang talaga pinakilala niya sa kanila. Tila ba ayaw niya makilala ko ang iba. Seloso. Hindi ko naman ipagpapalit.

May mga lumapit naman sa akin. Nakakatawa nga lang kasi nag lahad sila ng kamay sa akin.

"No touching..." Sabi pa ni Alejandro.

"Tsk." Mahina kong bulong.

Hindi ko siya sinunod. Tinanggap ko ang mga kamay nung mga lumapit gamit ang kabila kong kamay. Nakasimangot tuloy 'yung katabi ko.

Sila Hannah naman at 'yung dalawa pang babae na hindi ko kilala ay nanatili lang sa kinakaupuan nila pati narin ang ibang teammates ni Alejandro kagaya ni Miggy at Carl.

"Ano 'to?" Narinig kong sabi ng pamilyar na boses. Kaya napalingon kami ni Alejandro para makita kung sino ang nasa likod.

Si Bella kasama si Paul.

Strains of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon