Kabanata 36

508 5 0
                                        

Kabanata 36

Pag tapos nung nangyare ay nakatulog naman ako nang mahimbing sa bahay wala nga lang akong kasama. Bantay si Mama si Papa naman nasa work pa.

Nagising ako sa malakas na alarm ng phone ko. Pupunta kasi kaming dalawa ni Bella sa hospital. Mamaya rin ay mag kikita kami ni Alejandro.

Bumaba na ako sa kusina para mag saing at mag luto ng itlog.

Habang hinihintay ko maluto ang sinaing ko. May kumatok na sa pintuan namin. Nag lakad ako patungo sa pinto para pag buksan si Bella dahil si Bella lang naman ang inaasahan kong dumating.

"Ano na naman kakainin mo ngayon?" Bungad niya sa akin.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Ano pa ba?" Sagot sa kanya.

Ngumisi na lang siya. Alam niya na ang ibig sabihin ko.

"Tila ka nag egg diet." Bulong niya.

Dumiretso na lang siya sa kusina para umupo. Hindi pa kasi ako naliligo. Hindi naman ako ganoon kabagal maligo hindi ako katulad niya na napaka bagal kaya alam kong hinding hindi siya maiinip sa pag hihintay sa akin.

"Ikaw na lang kaya mag bantay ng sinaing para makaligo na ako." Sabi ko sa kanya.

"Tamad ka lang mag intay."

Hindi na ako kumibo. Kinuha ko na lang sa kuwarto ko ang tuwalya ko.

Gusto ko mang damhin ang pag agos ng tubig sa katawan ko. Kaylangan ko nang bilisan para matagal tagal naman ang pag stay ko sa hospital.

Lumabas na ako sa banyo. Sinilip ko si Bella na tiningnan ako pero binawi niya rin agad ang tingin sa akin. Umakyat na ako sa kuwarto ko para mabilis na pumili ng damit.

Simple lang ang damit ko kahit mag kikita kami ni Alejandro mamaya. White blouse lang at simpleng pants. Nag dala narin ako ng sarili kong jacket kasi malamig sa hospital tsaka ayokong manghiram ng jacket kung kani kanino.

Pag baba ko ay okay na ang kakainin ko.

"Ready na ang egg diet mo." Pang aasar ni Bella.

Walang emosyon ko siyang tiningnan. "Wala lang talaga akong ibang maluto." Depensa ko.

Umupo na ako para makain na. Si Bella naman ay umupo sa harap ko. Nag timpla pala siya ng kape. Hindi niya naman ako tinimplahan kasi hindi naman ako nag kakape.

Tahimik akong kumain. Siya naman ay nag phone lang sa harap ko.

"Huy! Ano 'yung pa ganap niyo ni Alejandro kahapon? Muntik ko pang makalimutan..."

"Si Alexa kasi hindi parin tumitigil." Sagot ko na lang.

"Oo nga! Lalo tuloy dumadami ang basher mo! Nakakaloka."

Hindi na ako kumibo. Inubos ko na lang ang natitirang pagkain na nasa plato ko.

"Akala mo kasi aping api." Dagdag niya pa.

Tiningnan ko siya. "Hayaan mo na." Seryosong sabi ko para hindi niya na isipin.

Tumayo na ako para hugasan ang pinggan na pinagkainan ko. Pinahugas pa sa akin ni Bella ang pinaginuman niya. Hindi na lang ako umangal.

Matagal ang biyahe papuntang hospital pero maaga parin kaming nakarating. Nag dala kami ni Bella ng mga prutas para kay Lola.

Nung nakapasok kami sa kuwarto ni Lola. Lumapit agad kaming dalawa ni Bella kay Lola para yakapin siya.

Pinagmasdan ko naman siya.

Nakangiti siya dahil dumating kami pero nung tiningnan ko ang mga mata niya. Alam ko na hinang hina na siya.

Strains of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon