Kabanata 14
Natalo ang UST pati narin ang NU nung Sunday sa game nila.
Sabay pa talaga silang natalo pero alam ko naman na mag bounce back sila.
Hindi pa naman tapos ang round 1 kaya lahat possible pang mangyare.
Wednesday ngayon at walang laro ang UST sa Saturday pa.
Hindi ko alam kung papasok ako ngayon. Pag wala kasing game shorten lang 'yung schedule ko pag Wednesday.
Narinig ko naman tumunog ang phone ko.
Hays. Hindi ko na naman napatay wifi. Baka lowbat na naman ako nito!
Miggy:
No game today."Jas? Papasok ka ba?" Katok ni Mama sa kwarto ko.
Hays. Hinihila pa ako ng kama pero sige na nga wala rin naman akong gagawin dito.
Kahit ayaw ko bumangon, bumangon ako kaysa naman humilata lang ako rito sa bahay.
"Kumikilos na!"
Pero nagtipa muna ako ng reply para kay Miggy.
Me:
Student tayo ngayon.Sinaksak ko ang charger ng phone ko at nag umpisa na kumilos. Hays. Sana may masakyan ako agad at sana mabilis mag charge ang phone ko.
Pagbaba ko ay nakita ko si Lola Carmina. Pinapakain ni Mama ng Mangga.
"Balatan mo 'yan. Balatan mo." Sabi ni Lola.
Nagkatinginan kami ni Mama. Mali mali na talaga si Lola Carmina kahit noong nasa hospital pa.
"La, nakabalat na ito a."
"Hindi, balatan mo." Pinipilit niya pa rin.
Kinuha na lang ni Mama 'yung mangga at nagbalat ng ibang mangga.
"Kumain ka na baka ma late ka pa." Bulong ni Mama.
Kumuha na lang ako ng pagkain kahit gustong gusto kong tulungan si Mama. Tama siya late ma ako kung tutulong pa ako.
Makulit na kasi si Lola hindi na siya makontrol.
Sa totoo lang hindi ko alam kung anong sakit ni Lola. Hindi ako maalam sa ganun ang alam ko lang ay ang hirap pala kapag 'yung mga napapanood mo sa teleserye nangyayare sayo.
Pagtapos kong kumain ay niyakap ko si Lola.
"La, lutuan mo naman ako pag-uwi ko." Bulong ko sa kanya.
Tiningnan lang niya ako. "Sige...Lulutuan kita nung niluluto ko sa apo ko na si Jasmine."
Napangiti na lang ako sa sinabi niya at kinalas ko na ang yakap ko sa kanya.
Tumalikod na ako at pinunasan na lang ang pagbagsak na luha ko.
More years with Lola please.
Bumalik ako sa kwarto ko dahil muntik ko ng makalimutan ang phone ko.
Tiningnan ko ang phone ko. May text galing kay Miggy pero may isa pang text galing din sa telegram na ang nakalagay ay Alejandro.
Alejandro:
Come with me after class.Nagtataka naman ako sa luko na 'to.
Me:
Huh?Alejandro:
You wanna pay me, right?Hays. Oo nga pala. Ano na naman kayang kalokohan ang pumasok sa isipan ni Alejandro Mercado.
![](https://img.wattpad.com/cover/218037598-288-k646274.jpg)
BINABASA MO ANG
Strains of the Soul
Teen FictionThe captain of National University Alejandro A. Mercado always has an eye to the best friend of UST Growling tigers team captain. He didn't dare to introduce himself until that girl become the UST Growling tigers basketball team photographer. Start:...