Kabanata 8

926 15 1
                                        

Kabanata 8

Dumating sila Mama at Papa sa hospital. Pinaliwanag ko na lang kung bakit nandoon ulit si Alejandro baka kasi kung anong isipin nila at pangalawang beses na nandito si Alejandro.

Sinabi ko kay Mama at Papa na pangalawang beses na ni Alejandro sinasalba ang anak niyo.

Naintindihan naman din nila kung bakit wala si Paul. Maya maya rin ay umuwi na si Alejandro.

Kami naman ni Bella ang nag bantay ngayon kay Lola dahil sabay kaming walang class bukas at sa Sunday pa ang game ng UST kaya pwede akong mag bantay kasi wala akong gagawin kinabukasan.

Hawak ko lang ang phone ko at nag scroll sa social media. Typical na student lang. Pahinga naman. Kapagod sobra lalo pag may problema.

Bigla naman natuon ang atensyon ko kay Bella dahil bigla bigla na lang siyang sumisigaw sa gilid. Buti na lang private ang room ni Lola kasi kung hindi baka inaway na kami rito dahil sa tili niya buti nga hindi nagising si Lola eh!

"Problema mo?" Masungit natanong ko sakanya.

"Nag lalabas kasi ng tea si Adrianna about kay Anjelo." Naiinis na sabi ni Bella.

"Sino ba yung Adrianna?" Tanong ko sa kanya. Pinakita niya na lang sa akin ng tweets nung Adrianna.

"Oh? Manloloko pala si Anjelo Villanueva eh." Gusto kong sabihin na unstan niya na lang pero wala naman akong magagawa sa opinion niya.

Truth lang naman ang dapat kong sabihin ayokong pakialaman ang opinion niya.

Baka masaktan ko pa siya.

"Should I unstan him?" Naiiyak na sabi niya.

Ewan. Hindi ko alam sasabihin ko sa kanya. Hindi ako magaling sa ganto. Kasi kung ano minahal mo sakanya yun ang tingnan mo? Kung basketball mahal mo sakanya edi yung pagiging basketball player lang niya mahalin mo.

Ang hirap mag labas ng opinion. Baka magkamali pa ako.

"Desisyon mo 'yan." Sabi ko na lang sa kanya.

"Ang hirap hirap niya kasing ipagtanggol. Nakakasawa na siya!" Umiiyak na siya.

Di ko alam gagawin ko. Ganto ba talaga? Bakit ba kasi ang kalat at ang yabang nung Villanueva. Bakit ba ganto mga basketball player? Minsan ang hirap intindihin kaya ayoko ko na lang silang intindihin.

Nilapitan ko si Bella. Niyakap ko naman siya kasi kahit fan lang 'tong si Bella ang daming sinakripisyo nito! Ang daming fan war ang sinalihan nito para kay Anjelo Villanueva minsan nga gusto ko nalang sugudin si Anjelo para sabihin ayusin niya naman sarili niya pero inisip ko rin na hindi naman sinabi ni Anjelo makipag away si Bella para sakanya. Kaya ewan ko sakanila.

Para sa akin ang tamang gawin ay lumayo sakanila.

"Hindi kasi lahat ng gusto nakukuha ng isang tao kasi hindi naman lahat ng gusto mo para talaga sayo." Bigla sabi ni Lola.

Napatingin naman kami ni Bella sa kanya. May baon talaga siya lagi. "Minsan kasi may mga malaking bagay ang para saatin nabinabaliwala natin para sa maling kasgutuhan." Dagdag pa niya.

Tama naman siya. Pero kapag nga gusto mo talaga paghirapan mo. Pinaghirapan naman na ni Bella baka nga mali lang talaga ang kagustuhan niya kay Anjelo Villanueva.

Lumipas ang gabi. Naging okay naman si Bella hindi ko alam kung unstan niya na si Anjelo pero tingin ko lowkey na lang siya.

Pagtingin ko naman sa phone ko medyo maingay parin pangalan ni Anjelo at Adrinna kaso mas maingay sa twitter ko ang bagong cover ni Alejandro.

Iba talaga ang boses nitong batang ito.

Pero hindi ko alam kung bakit ko nakikita mga cover niya? Hindi ko naman siya fina-follow?

"Pre game ritual." Caption niya sa bago niyang cover pinakinggan ko naman kasi pag kumakanta 'yun nagiging angel siya sa paningin ko. Galing diba?

Kinanta niya yung Still Into you by Paramore! Sobrang solid ng boses niya! Hays. Sana boses na lang talaga siya.

Binasa ko ulit yung caption. "Pre game ritual." Grabe talaga 'tong lalaking 'to. May game pala kinabukasan tapos nag stay pa rito saglit. Pahinga nalang niya tapos hays. Hindi ko narin talaga alam sa mga tao pero atleast tumulong siya at sa akin pa.

Nag text naman ako kay Miggy para mag good luck kasi may game nga sila ngayon.

Me:
Hindi mo naman sinabing may game kayo! Good luck! Bounce back ah? Thank you pala ulit sa pagtulong kahapon!

Nag direct message narin ako para kay Alejandro baka magtampo. Tsaka consider ko narin siyang friend kasi dalawang beses na niya akong tinulungan.

Me:
Hi Alejandro! Thank you pala kahapon! Good luck sa game!

Pagtapos ko mag send sakanila. Narealize ko na ngayon lang ako nag good luck ng ibang team. Kaya sana galingan nila.

Binuksan ko ang tv sa room ni Lola nung 3:00PM na. Syempre hindi pa tapos ang first game kaya gusto ko rin malaman kung ano ang laban at kung sino ang mananalo.

Sobrang interested ko minsan sa basketball.

Nung nakita ni Bella na binuksan ko ang tv ay agad niyan nilipat ito. "Huh? Problema mo na naman?" Tanong ko sakanya.

"UP vs ADU. Pwede bang ilayo mo muna ako sa UP. Kung gusto mo talagang manood mamaya na lang pag NU vs FEU na. Okay?" Hindi naman ako nakapag salita sa sinabi niya. Ang hirap niyang kontrahin lalo na ngayon pero nakakatuwa siyang tingnan atleast nag try siya pero masyado naman siyang seryoso nakakatawa tuloy siya.

Hinayaan ko na lang si Bella. Gusto mag move on eh. Kahit hindi naging sila masakit parin 'yun para sa kanya.

Naglibang na lang ako sa phone ko.

Nakita ko naman nanilipat niya na ang tv. Ang malas nga lang hindi pa pala tapos kasi player of the game muna.

Player of the game pa si Anjelo Villanueva. Tiningnan ko nalang ang reaksyon ni Bella. Nakita ko naman na nag earphones nalang siya para wala siyang marinig.

Nanood nalang ako ng game. Pag sa tv parang ang bilis ng laban. Dominant at mukhang inspired si Alejandro. Nakita ko naman na magaling palang maglaro si Miggy. Kukuhanan ko sila ng litrato next time.

Good thing is nanalo ang National University. Player of the game si Alejandro Mercado. Pasaway pero magaling.

Strains of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon