Kabanata 1
Kumalas ako sa yakap ko kay Paul. Ngumiti naman siya sakin. "First game lang 'to." Bulong niya.
Dumaan naman sila Vito kaya. Ngiti ang ginawad ko sakanila.
"Sana naman kahit talo kami may maganda kaming kuha ah?" Pabirong sabi ni Vito.
"Mas maganda sana yun kung panalo kayo!" Sagot ko naman sakanya.
"Ang sabihin mo puro si kapitan lang ang kinuhanan mo." Sumabat naman si Jay, natuon tuloy ang atensyon ko sakanya. Sobrang fresh parin ng mukha hindi halata na naglaro ng basketball, sobrang bagay nung cleancut sa mukha niya.
Sinungitan ko siya at sinabing "Dahil diyan si kapitan niyo lang ang may picture."
"Ang bias naman Ms. Photographer!" Sabi naman ni Hans.
Umirap nalang ako sakanila at tumingin kay Paul.
"Tara na Kapitan tama na ang chitchat kay Ms. Photographer." Sabat ni Vito.
Hinawakan naman ako sa braso ni Paul at sinabing "Punta muna ako sa team." Ngumiti naman ako sakanya bilang sagot.
"Sasabay ka naman sa bus diba?" Dagdag niya pa.
Ngumiti na lang ako bilang sagot sakanya. "Ay wait! Nonood ka ba rivalry?" Habol na tanong ko.
"Hindi na siguro. Baka kumain kami ng team after namin mag usap." Sagot niya sa tanong ko.
"Ay, okay! Alis na ako!" Paalam ko sakanya.
Kaya hindi narin ako nanood. Napagdesisyonan ko na nga pala na sumabay na lang sa bus.
Habang naglalakad papunta kung saan nag iintay ang bus nakita ko sa hindi kalayuan ang lalaking naka ng jacket na champion yung design.
Narinig kong nagtatawanan sila ng iba niyang kasama. Habang papalapit ako sa pwesto napansin 'ko yung isang lalaki ay naka NU t-shirt.
Mga NU players pala ang nandoon. Pag daan ko nagbago ang expression nung naka champion na jacket na si Mercado pala! Hindi ko alam first name niya basta kilala ko epilyedo niya sikat kasi pamilya niya.
Masungit ang expresyon ng mukha niya. Hindi ko naman inaano napaka suplado.
Kaya sinungitan ko din. Panalo na nga sila ang yabang niya pa. Sikat lang naman siya dahil sa epilyedo niya.
Naglakad na ko ng mabilis papuntang bus. Nakita ko narin si Aya doon sa tabi ng pwesto ko.
"Jas! May picture kami ni Alejandro." Tumingi ako sakanya na nagtataka sa sinabi niya.
"Si Alejandro Mercado?" Sabay pakita ng cellphone niya.
Nakita ko naman yung lalaking naka champion na jacket. Hindi siya masungit sa picture. Maayos ang ngiti at mukhang kwela.
Katabi niya naman si Aya na kitang kita ang mahabang buhok hindi siya nakasalamin at may simpleng ngiti.
Pag tapos kong tingnan yung litrato. Tiningnan ko siya at umupo na sa upuan ko.
"Wala ka man lang pake? Gwapo naman siya ah? Patawarin mo na!" Sunod sunod na sabi ni Aya. Napaka daldal naman talaga ng babaeng 'to.
"Alam mo Jas may picture na lang ako na isend sayo pagtapos ko iedit." Ngisi niyang sabi saakin. Hindi ko parin siya pinansin at nag earphones nalang ako para matahimik na siya.
Hindi ganun kabilis ang biyahe papuntang espanya. Kaya nakatulog ako.
Padating ko sa bahay nakaabang na agad si Lola. Niyakap ko muna siya.
"Kumain ka muna at mag pahinga saglit ah." Bulong niya habang nakayakap ako sakanya. "Masarap ang ulam!" Ngumiti naman ako sakanya.
"Kaya ako tumataba eh! Paano ako magkaka boyfriend niyan La?" Biro ko sakanya.
"Alam mo kung mahal ka talaga ng isang lalaki kahit anong istura mo maganda ka sa paningin niya." Payo saakin ni Lola.
"Sige La! Kakain ako marami para sayo!" Masayang sagot ko sakanya.
Inayos ko muna ang gamit ko at nagpalit ng damit bago ako kumain ng hinanda ni Lola.
"Kamusta pala ang game? Panalo ba UST?" Tanong ni Lola saakin habang kumakain kami.
"Hindi La eh." Malungkot na sabi ko sakanya.
"Ay ganun? Dapat niyaya mo si Paul kumain dito para pangpalubag loob!" Sabi niya.
"Next time, yayain mo ah." Ngitian ko nalang siya at patuloy na lang ang pagkain.
Bigla naman bumukas ang pinto. Kaya napatingin kami ni Lola. Nandyan na pala si Mama.
"Kain?" Tanong ko kay Mama.
"Sige mauna na kayo. Hintayin ko na lang Papa mo." Sagot naman ni mama. Kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.
Pagtapos ko kumain tiningnan ko na ang mga litrato na kinuha ko kanina. Iilan lang din naman ang isend ko sa gc namin pero mag send ako kay Paul ng mga picture nila Vito. Sobrang hirap mamili ng pictures.
Natapos ko na ang pag edit sa mga napili kong picture. Bigla naman nag notif ang pangalan ni Aya.
Pagtingin ko sa messenger nakalagay ay 'you receive a photo.'
Tiningnan ko naman agad at nakitang picture namin ni Paul na nakayakap nung pagtapos nung game.
Napagpasyahan ko na mag post sa twitter gamit ang picture na yun kasama ang caption na "bounce back, pre!"
Matapang akong magpost dahil okay lang sakin kung isyu mga tao dahil alam naman namin ni Paul na kaibigan lang naman talaga kami.
Kahit ang daming twitter serye na ako yung kontrabida okay lang binabasa ko pa nga eh.
Napagpasya ko rin na mag post sa IG ng ilang mga pictures nila ng ibang player sa UST. Pagtapos ko mag IG bumalik ako ulit sa twitter nakita ko na maraming nag like nung post ko at nag qoute reply si Paul ng "We will!" Nakita ko rin ang iba't ibang comment ng players ng UST. Hindi ko nalang sila pinansin kasi baka mas lalong maisyu kami ni Paul.
Patuloy pa akong nag scroll medyo maingay ang twitter puno ng malulungkot na post dahil talo ang UST.
Habang nag scroll may nakita akong post na video at ang caption ay ang kulay puso ng NU post pala nung Mercado.
Pinindot ko nakita ko na nag piano siya at kumakanta ng 'that should be me' by Justine Bieber. Maganda naman pala boses niya bakit hindi na lang siya mag singer diba?
Nabasa ko naman nag reply si Aya sa post. Pinindot ko naman yung account ni Aya.
Bumungad sa akin ang post niyang magkasama sila ni Alejandro Mercado. Nag reply pa si Alejandro ng 'nice meeting u.' Kilig na kilig siguro si Aya.

BINABASA MO ANG
Strains of the Soul
Teen FictionThe captain of National University Alejandro A. Mercado always has an eye to the best friend of UST Growling tigers team captain. He didn't dare to introduce himself until that girl become the UST Growling tigers basketball team photographer. Start:...