Kabanata 18

683 12 0
                                    

Kabanata 18

Nagulat si Bella nung dumating kami ni Paul sa hospital akala niya raw kasi pinapaasa na naman ako ni Paul tapos baka raw si Alejandro na naman kasama ko dapat daw si Miggy naman dahil gusto niya raw makasama at para naman daw balance.

Hindi ko pa na kwento sa kanya ng buo yung tungkol kay Miggy. Ganyan na siya paano pa diba?

Suwerte naman si Paul dahil na abutan niyang gising si Lola.

"Hijo nandito ka na naman... Miss ko na tuloy si Paul." Si Lola na nagkamali na naman akala niya siguro si Alejandro.

May gulat sa expression ni Paul kaya lumapit siya sa banda ni Lola at nag mano.

"La, sino ba ang dumalaw sayo at nakalimutan mo na itsura ko?"

Hinawakan naman ni Lola ang mukha ni Paul. "Iyung ano... Sino nga ba 'yon Jasmine?" Baling ni Lola sa akin.

"Si Alejandro po."

Tiningnan naman ako ni Paul pero saglit lang kasi hawak parin ni Lola ang mukha niya. Si Bella naman ay nagpipigil ng tawa.

"Hindi ba ikaw si Alejandro?"

"Hmm... Mas gwapo ang alaga mo roon, La!"

Ngumisi naman kami parehas ni Bella kasi ang sabi ni Lola mas gwapo si Alejandro. Mas mestizo lang si Alejandro si Paul kasi Moreno. Si Alejandro kasi laki sa yaman si Paul naman laki rin sa yaman pero alam mo na pinapalaro sa kayle.

"Hindi tayo sure." Bulong ni Bella.

Hindi ko na napigilan ang tawa ko. Natawa kami ni Bella. Sinamaan naman kami ng tingin ni Paul.

"Hijo, parehas naman kayong gwapo e!"

Tinanggal na ni Lola 'yung hawak niya sa mukha ni Paul.

"Oh? Buti nakadalaw ka Paul." Si Mama nakakarating lang.

Lumapit naman si Paul kay Mama para mag mano.

"Hay naku Paul sabi ko naman sayo wag ka na mag mano sa akin... Nag mumukha akong matanda."

"Bakit hindi pa ba, Julianna?"

Natawa naman ako. Natawa si Bella. Natawa kami ni Bella sa sinabi ni Lola. Si Paul ay ngumisi lang at nagpipigil ng tawa.

Hindi pa naman matanda si Mama hindi nga lang nagkakalayo ang edad nila ni Lola kasi maaga nag asawa si Lola.

Nag paalam kami kay Mama na maglalakad lakad muna kami sa labas. Napagdesisyonan din namin nila Bella na gusto namin kumain ng noodles kaya pumunta kami 7/11 para bumili. Sa room na lang ni Lola kami kakain kasi kami ang bantay.

Nag kwentuhan lang kami. Habang kumakain ng noodles. Nag kwento lang si Bella patungkol sa UP at kay Anjelo. Wala naman na raw tsimis tungkol kay Adrianna at Anjelo.

Nakikinig lang ako sa kanila.

Makalipas ang ilang oras naming mag kwentuhan kahit nakikinig lang ako.. hinatid na kami ni Paul sa kanya kanya naming bahay.

Mag edit pa ako ng pictures para isesend ko kay Aya nakapili naman na ako ng pictures kanina kaya madali na lang.

Hindi ko pa nga pala na edit mga pictures nila Miggy at iba pang players na hindi taga UST. Kaya pag tapos ko mag edit nung kaninang game nag edit naman ako nung kayla Miggy.

Nag send na ako ng mga pictures. Kaya umuulan ng thank you messenger at telegram ko. Yung iba naman pinost ko sa social media account ko.

Bigla naman tumunog phone ko. Paul posted a picture na naka mention kaming dalawa ni Bella.

Strains of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon