Kabanata 42

535 7 0
                                    

Kabanata 42

Inalalayan ako ni Alejandro papunta sa sasakyan niya.

"Bakit ka ba nandito? Na-nasan na 'yung importante mong pupuntahan?" Wala sa sariling tanong ko.

Tahimik lang siya. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Napahawak naman ako sa labi ko.

"Galit ka ba? Hindi naman sadya 'yon. Iyong yakap niyo nga sadya e!" Sabi ko pa.

Binitawan niya ako nung nasa harap na kami ng kotse niya. Binuksan niya ang pinto ng kotse. Hindi naman ako sumakay nanatili lang akong nakatayo.

Pinagmasdan ko naman siya na hinihintay ako sumakay. Paalis na sana siya kaso hinarang ko siya gamit ang kanan kong kamay. Nilagay ko ang kamay ko sa kotse niya sa mag kabilang gilid ng mukha niya para maharang siya sa pag alis.

Pinagmasdan ko ang mukha niyang kita parin sa dilim. Iyung mga magaganda niyang mata at sobrang tangos niyang bibig. Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. Pansin ko na nakatingin din siya sa mga labi ko.

Unti unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya. Nung tuluyan ng nakalapit ang mukha ko hindi ko naramdaman ang malalabot niyang pisngi. Dililat ko ang mata ko nakita ko ang kamay niyang nakaharang sa mga labi niya.

"Tsk." Inirapan ko siya. Akmang tatanggalin ko na ang kamay niya kaso pinigilan niya naman agad ang kamay ko gamit ang isa niya pang kamay.

"Hindi ako hahalik sa may hinalikan na iba bago ako."

Natigilan ako. Hinayaan ko na siyang umalis. Tahimik na lang akong pumasok sa sasakyan niya.

Kinabukasan ay ang ingay ingay ni Bella na kumakatok sa kuwarto ko.

Masakit ang ulo na bumangon ako sa kama ko para pag buksan siya.

"Hindi alam ni Tita na uminom tayo kaya dinalhan kita ng gatorade." Bulong niyang sabi.

"Ano ako player?"

Binatukan niya naman ako. May hangover na nga binatukan pa.

"Tanga. Hindi ka nga talaga nag iinom."

Iniinom ko na lang ang gatorade na pinainom niya.

Parehas kaming nakaupo sa kama ko ngayon.

"Naalala mo ba nanyare kagabi?" Tanong niya.

Naalala ko ang kaunti pero hindi ko alam kung naalala ko ba lahat lahat.

"Mukhang naalala mo naman. Nakauwi naman si Miggy ng maayos."

Inisip ko si Miggy. Nasapak pa siya ni Alejandro wala naman siyang kasalanan.

"Bakit ba kasi nandoon si Miggy?" Wala sa sariling tanong ko.

"Hmm..."

"Alam mo kung bakit?"

"Nung ano..." Napahawak siya sa ulo niya.

"Ano?"

"Nag text kasi ako sa kanya na iuwi ka. Hindi ko naman akalain na mahahalikan mo siya... Hindi ko rin alam na dadating si Alejandro tapos makikita niya pa 'yung ganoon..."

Kunot noo ko siyang tiningnan.

"Bumawi naman ako! Nandito na nga ako. Tsaka nakita ko papuntang Batangas Si Alejandro ngayon. Nasabi niya ba?"

Umiling ako. Tahimik lang kasi ang naging biyahe namin kagabi. Hiyang hiya rin ako sa sarili ko kagabi.

"Kasama niya teammate niya—-"

"Information lang pang bawi mo?"

"Hindi pa kasi ako tapos! Pinaalam na kita. Papunta na si Paul dito." Lumaki naman agad ang mga mata ko.

Strains of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon