Kabanata 17
Nanatili si Lola Carmina sa hospital. Sa lumipas na ilang araw... isang beses lang ako naka dalaw kasi sobrang busy sa school hindi ko na masingit si Lola.
Nagpapasalamat naman ako na walang abirya ngayong araw kaya makakapag cover ako ng game ng UST ngayong Wednesday.
Ang alam ko manonood ng game sila Miggy mamaya sa men's basketball kasi nag text siya kagabi hindi ko naman na replyan kasi nag text din siya sa akin na gusto niyang manligaw.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya hindi na lang din ako nag reply.
Next round na sa Saturday at sunod na laban namin ay sila kaya hindi ko naman siya maiiwasan.
Pero ang gusto ko lang makita sa laban nila against NU ay makabawi si Paul kasi natalo rin sila last game.
Kalaban namin ngayon ang FEU. Mukhang maganda ang tinatakbo ng UST vs FEU na game sa women's division. Mukhang kakayanin ipanalo ng UST.
Magaling 'yung Lastimosa sa FEU pero kinaya sila ng UST dahil sa maraming tulong.. I guess?
Pumunta muna kaming dalawa ni Aya sa dugout. Nakausap ko narin si Ma'am Atienza at naunawaan niya naman daw ang dahilan ko.
"Kamusta Lola mo?" Tanong ni Aya sa likod.
"Nasa hospital parin."
Hindi na siya sumagot kasi naramdaman niya na ayaw ko munang pag usap mga ganoong bagay ngayon.
"Bakit wala ka nung nakaraan, Mercado?" Napatingin naman ako sa nag salita.
Nagulat at naguguluhan si Aya kung sinong tinutukoy ni Vito.
Nagbutonghiningan na lang ako at inirapan siya.
"Sinong Mercado?" Si Aya.
"Wala." Nakangising sabi ni Vito.
Tiningnan naman ako ni Aya. Naghahanap ata siya ng sagot sa akin. Mahal na mahal pa naman nito si Mercado.
Nakakaloka naman kasi si Vito walang ibang ginawa kung hindi mang inis. Ayaw ko na lang pansinin sobrang wala akong lakas para pumatol sa kanya.
Tiningnan ko na lang ang mga pictures sa camera ko pinipili ko na kung anong magaganda.
"Hey! Kain muna tayo." Si Aya.
"Wala akong gana.."
"Tara na! Nag yaya si Miggy. Nag text sa akin hindi ka raw kasi masyadong nag rereply sa kanya."
Busy ako tsaka hindi ko alam anong sagot ko kaya hindi ako makapag reply.
"Sumama ka na! Kasama raw si Alejandro kaya gusto kong sumama!" Pagpipilit niya kaya sumama na rin ako.
Wala naman atang makakapigil kay Aya.
Kaya sinamahan ko na lang siya wala naman sense kung iiwas ako.
Pag labas namin ay nakita ko agad si Miggy na nakangiti at si Alejandro na seryosong nakatingin sa akin.
Ngumiti na lang ako sa kanila.
"Are you okay, Jas?" Tanong ni Miggy.
"Hmm, okay lang."
Ngumiti naman siya at niyaya na kami sa restaurant na gusto nilang kainan.
Good thing is hindi naman nangulit si Miggy about sa sinabi niya kagabi.
Konti lang ang pina-order ko sa akin kasi baka hindi ko maubos kasi wala akong gana.
BINABASA MO ANG
Strains of the Soul
Teen FictionThe captain of National University Alejandro A. Mercado always has an eye to the best friend of UST Growling tigers team captain. He didn't dare to introduce himself until that girl become the UST Growling tigers basketball team photographer. Start:...