Kabanata 9

873 12 0
                                    

Kabanata 9

Bagong araw, bagong pag-asa at bagong laro rin ng UST. Sana maganda ang laruin mamaya ng UST.

Gusto ko gumaan ang puso ko ngayon ayaw ko makaramdam na ng pagkatalo mamaya. Sana pagaanin ng mga tigre ang puso ko.

Nasa venue na kami nila Aya. Masyado kaming maaga dahil first game ang UST. Sayang nga lang walang game ang NU ngayon dahil kakatapos lang ng game nila kahapon.

Nanalo naman ang UST sa basketball girls. Sana sunod sunod na ang pagkapanalo nila at sana manalo rin mamaya ang men's basketball team namin.

Maya maya ay men's basketball na. Maganda naman ang tinatakbo ng laban against UE.

Kaso parang ayaw kay Paul nung basket. Hindi siya makapuntos. Wala siyang laro buti na lang meron din kaming Vito at pasabog naman si Jay! Ang fresh talaga nito! Kung may crushie man ako sa mga players ng UST si Jay 'yun. Para kasing hindi siya naglalaro parang nakahiga lang siya sa bahay na naka aircon dahil hindi pinagpapawisan.

Kaya ayun puro sila Jay at Vito ang kinukuhanan ko. Puro naman pangalan nung Ocampo naririnig ko sa UE. Puro siya lang. Worth it siya kuhanan ng litrato. Magaling siya pero kaylangan niya ng katulong para manalo pero meron naman kahit papano pero syempre hindi lang dapat siya kaya dapat ipasa niya rin sa iba. Malay niya naman diba?

Kaya nanalo ang UST. Si Jay ang player of the game. Deserve niya naman.

Pagtapos ay nanood muna ako saglit ng first quarter nung next game kasama ko si Aya.

Magaling talaga ang Ateneo lalo na yung Saavedra. Magaling din naman yung Santos sa ADU kaso kulang siya sa consistency. Parang dinadala siya ng crowd minsan kaya dapat buhay lagi crowd nila para sa kanya. Tingin ko lang naman.

Yung Saavedra naman typical basketball player mayabang pero on game lang siguro. Mukha kasi siyang angel kahit pawis na pawis na. Angel siya kahit mayabang mag laro.

Nagpasya naman kami ni Aya na pumunta na sa dugout.

Nauuna si Aya lumakad bigla naman siyang may nakabangga na magandang babae na naka jeans with denim bralette top. Tapos nakasuot siya ng jacket na pink. Pinagmasdan ko siya sobrang bagay nung mahaba niyang buhok at ang pagiging morena niya sa outfit niya ngayon.

Nakita ko naman may sinabi na lang si Aya at nilagpasanan na kami nung babae.

"Bakit nandito si Adrianna?" Tanong ni Aya.

Nagtataka naman ako sa pangalan na nabanggit ni Aya. Parang narinig ko na.

"Adrianna?" Tanong ko sa kanya. "Yung ex ata ni Anjelo Villanueva sa UP." Sagot niya.

"Yung nakabangga ko kanina. Siya yun." Sagot niya.

Ang classy naman ng sinasayang ni Anjelo. Nagandahan lang talaga ako kay Adrianna kanina dahil sa outfit niya at sa simple niyang mukha kaya sana wag magalit sa akin si Bella.

Nakita ko naman na nakaayos na si Paul suot ang v-neck white t-shirt at black short na nike.

Kaya nilapitan ko na siya. "Good win! Baka naman pwede ka ng dumalaw kay Lola! Miss ka na niya!" Sabi ko sakanya.

Tiningnan niya lang ako at hindi siya nag salita. Umalis na siya sa harapan ko kaya natahimik na lang ako.

Napairap na lang ako sa kanya kahit nakatalikod na siya. Ang hirap intindihin ng lalaki na 'to!

Nakita ko naman na nakatingin sa akin sila Vito at Hans. "Problema nun?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi ko nga alam eh! Kanina pa siya ganyan walang laro. Tapos wala sa mood!" Sagot ni Hans.

"Ay weh? Bakit kaya?" Pagtataka ko.

"Sige na. Alis na kami. Mahirap na mapagalitan ni Master kahit panalo mainit ang ulo." Sabi ni Jay.

Ang gwapo niya talaga.

Bahala siya. Lilipas din naman 'yun. Sana next game umayos na siya kasi hindi dapat siya ganoon lalo na team captain siya.

Dumating naman si Aya. Buti na lang nandito si Aya. "Kain muna tayo Jasmine! Gutom na ako! Tsaka mamaya pa raw alis ng bus." Sabi niya.

Kumain naman kami sa malapit lang sa venue at baka maiwanan kami bigla ng bus mahirap na.

"Alam mo namamangha ako sa mga fans ni Anjelo kasi andyan sila dati pa para protektahan si Anjelo. Lapitin kasi ng isyu si Villanueva." Sabi bigla ni Aya.

"Nakakamangha talaga sila kasi kaya nilang mag stay kahit ang dami nilang kaaway." Sagot ko sa kanya. Tumango tango lang siya.

"Hindi naman maiiwasan na marami silang isyu pero sana mabawasan naman niya." Dagdag ko pa.

"Sabi kasi ni Adrianna bet lang daw lahat ng meron sakanila ni Anjelo. Ang galing galing daw ni Anjelo manloko." Si Aya.

"Pero ang alam ko hindi naman ata naging sila. Alam ko may ibang gusto talaga si Anjelo. Hindi ako sure. Ang gulo nila!" Naguguluhang sabi ni Aya.

"Buti na lang si Alejandro ang mahal ko puro kanta lang para sa akin." Tinitingnan ko lang siya habang nag iilusyon siya.

"Kanta pala para sa babaeng mahal na mahal niya. Ewan ko ba roon! Ang torpe torpe!" Naiinis na sabi ni Aya.

"Kung ako 'yun inlove na inlove na ako dahil ang ganda ng boses ang galing pa mag basketball!" Dagdag pa niya.

"Sayang nga torpe siya." Wala sa sariling sabi ko. Nagulat naman kami ni Aya sa sinabi ko.

"Wag mong sabihin kaagaw na kita ah?" Pag uusisa niya.

"Ang ibig kong sabihin ang ganda ng boses niya tsaka basketball player siya! Maipapanalo niya ang puso ng isang babae kung hindi siya masungit at matapang siyang umamin." Sabi ko na lang kay Aya.

Totoo naman. Kung mahal mo talaga maglalakas loob ka na umamin. Baka may mauna pa sayo diba? Pagsisihan mo pa.

"Hays sana wag muna siyang umamin hindi pa ready puso ko masaktan. Hays. Sana maganda 'yung mas maganda sana sa akin o kaya mas maganda kay Adrianna kanina." Sabi niya.

"Wala ka bang alam kung sino?" Tanong ko na lang para may ambag ako sa usapan namin.

"Meron naman katulad ni Hannah Francisco volleyball player ng Ateneo." Sagot niya.

"Childhood friend daw kasi yung dalawa pero nililigawan na raw si Hannah ni Dominic Saavedra." Dagdag pa niya.

Classic naman nun. Basketball player tapos Volleyball player. Bagay naman.

Kaso ano ang mas matimbang na team kay Hannah pero feeling ko Ateneo pero hindi naman ako si Hannah kaya bahala na siya.

Strains of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon