Kabanata 12
The set up is still the same para sa amin ni Paul. Sunday Game nila ngayon hindi nga ako na kasama Lunch Date kasama sila Lola.
Ang swerte lang ngayon ay may laro rin ang National University. Mas excited na ako sa game nila kaysa sa game ng UST.
Pero syempre UST padin walang magbabago.
Mabigat ang makakalaban namin ngayon. Kalaban namin ang Ateneo. Base sa panonood ko magaling talaga yung Saavedra number 7 sa Ateneo. Kaya goodluck na lang kay Paul.
Unang game kami ngayon. Bumalik muna ako sa dugout kasi mag picture raw ako roon kahit konti. Sumunod na lang ako.
Pagpunta ko roon nakita ko si Paul nakatabi si Vito. Nandoon din sila Jay at Hans pati narin si Simoun. Nakasuot na sila ng dilaw nilang jersey pero yung iba naka jacket pa na white.
"Hi Jas!" Si Jay.
Ngumiti na lang ako sa kanya.
Tiningnan ko naman si Paul. Ngumiti lang siya sa akin kaya nginitian ko siya pabalik.
"Ay ngitian lang?" Tanong ni Vito.
Isyu na naman. Kung nandito rin naman si Bella ngingitian lang siya ni Paul. Ganyan si Paul e! Walang bago. Sanay na.
Hindi naman na namin pinansin si Vito. Pero makulit parin si Vito kaya nilapitan niya pa ako.
"Walang yakap?" Bulong niya sa akin.
Kung wala akong hawak na camera binatukan ko na 'to. Kaya wala akong magawa kundi irapan lang siya.
Tinapos ko agad ang duty ko roon. Sakto naman mag sisimula narin ang game pag balik ko sa pwesto ko.
"Nandyan si Hannah Francisco!" Bungad sa akin ni Aya.
Tinuro niya kung nasaan si Hannah.
Nakita ko naman ang babaeng sobrang puti naka-loose jacket na light blue at naka short short yung buhok ay hindi ganun kahaba kasing haba lang 'nung akin.
Komportable rin siyang nakaupo sa upuan niya. Marami rin ang lumalapit sa kanya para mag pa-picture.
Nag simula na ang game ang lakas ng Ateneo.
Sobrang bangis nung kambal na Alcantara tsaka lahat tumutulong sa kanila.
Kaya hirap na hirap sila Hans na makapuntos pero kinakaya naman hindi naman tumataas ang kalamangan ng Ateneo sa sampu nung natapos ang 1st half.
Pinakita naman sa screen ang pagdating ni Belle Tolentino na naglalakad may kausap sa phone.
She's wearing a loose jacket color green and classic Belle Tolentino with mini skirt, color light green.
Buti na lang at naka mini skirt siya kung hindi same sila nung Hannah. Rivals pa naman sa volleyball.Napansin ko naman na lahat ng mata nakatingin sa pagdating ni Belle. Manonood siya kasi may laro ang DLSU against NU. Supportive.
Nagsimula na ulit ang game. Hinahabol padin ng UST ang Ateneo. Ayaw mag pahabol. Kaya ayun natalo kami.
Pumunta naman kaming dugout ni Aya pero hindi kami parehas sasabay sa bus kasi gusto naming manood ng next game.
Hindi ko pala gusto pinilit pala ako ni Aya.
Buti nga hindi namin nadaanan si Belle e! Wala lang nahihirapan akong mag interact sa kanya. Always kasi siyang nakangiti tsaka naiilang ako hindi ko alam kung totoo pa ba mga ngiti niya.
Nakita ko naman sa labas ng dugout yung swimmer ng UE na si Stella Cruz at alam ko yung katabi niya 'yung taga NU. Nagtataka nga ako bat sila nandito sa tapat ng UST dugout.

BINABASA MO ANG
Strains of the Soul
Teen FictionThe captain of National University Alejandro A. Mercado always has an eye to the best friend of UST Growling tigers team captain. He didn't dare to introduce himself until that girl become the UST Growling tigers basketball team photographer. Start:...